News Releases

English | Tagalog

"TV Patrol," nagbabalik online sa iWant, TFC, Facebook, YouTube

May 07, 2020 AT 07:09 PM

"TV Patrol" goes online on iWant, TFC, Facebook, and YouTube

Our patrol on the news that matter to Filipinos will go on. Like we promised, we will not be silenced, and we will remain committed to serving the Filipino.  

 Magpapatuloy ang paghahatid ng pinakamalaking balita ng ABS-CBN News sa mga Pilipino sa buong mundo sa pamamagitan ng “TV Patrol” na magbabalik simula ngayong gabi (Mayo 7).
 
Mapapanood ang nangungunang newscast sa bansa na “TV Patrol” sa Facebook at YouTube channel ng ABS-CBN News, iWant, ANC at sa The Filipino Channel (TFC).
 
Ang paghahatid ng ABS-CBN ng balita sa digital platforms at social media ay hindi sakop sa kautusan ng National Telecommunications Commission na nagpatigil ng pagbroadcast ng ABS-CBN sa telebisyon at radyo.
 
Tuloy po ang ating malawakang pagpapatrol. Tulad ng aming ipinangako, hindi kami mananahimik, at hindi kami mapapagod na maglingkod sa Pilipino.
 
Para sa balita, i-follow ang TV Patrol sa Facebook at Twitter. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, or pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.