News Releases

English | Tagalog

Kuya Kim, Dyan, at Korina digital na rin sa pagtulong sa mga Pinoy

June 19, 2020 AT 04:01 PM

Kuya Kim, Dyan, and Korina go digital to help Filipinos get better, stronger

ABS-CBN’s well-loved current affairs programs “Matanglawin,” “Sports U,” and “Rated K” continue to help Filipinos become the best version of themselves with exclusive online features for the public’s learning and enjoyment.

Hatid ang iba-ibang pakulo sa Facebook

Patuloy na inaalalayan ng mga current affairs program ng ABS-CBN na “Matanglawin,” “Sports U,” at “Rated K” ang mga Pilipino na mas mapabuti pa ang kanilang sarili kahit nasa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng mga ekslusibong palabas na kanilang hinahandog sa publiko sa pamamagitan ng Facebook.
 
Hatid ng premyadong educational program host na si Kim Atienza sa Facebook page ng “Matanglawin” (@MatanglawinTV) ang masasayang videos araw-araw na kapupulutan ng aral ng kabataan ngayong quarantine. Kabilang dito ang “Matanglawin EXTRA” na may dalang mga nakamamanghang balita tungkol sa siyensya, at ang Facebook Live ni Kuya Kim tuwing Huwebes, kung saan sumusubok ang Kapamilya stars tulad nina Seth Fedelin o ang LouDre loveteam ng mga experiment o challenge.
 
Magkakaroon din ng “Matanglawin Classroom” ngayong buwan para patuloy na matuto ang kabataan kahit nasa loob lamang ng bahay dahil sa krisis sa COVID-19. Sa ngayon, pwede muna nilang balikan ang mga adventures ni Kuya Kim sa “Matanglawin REWIND” kada linggo.
 
Samantala, handog naman ng “Sports U Ikaw Ang Panalo” ang mga kwentong magbibigay inspirasyon sa manonood para mapanatili ang kanilang malusog na pangangatawan at positibong pananaw sa buhay. Nariyan ang live interviews sa mga iniidolong atleta tulad nina June Mar Fajardo, Alyssa Valdez, at ang Ravena family tuwing Huwebes ng 5 pm. Libo-libong views ang nakukuha ng mga panayam sa Facebook, sa pangunguna ng interbyu ng anchor na si Dyan Castillejo kay Alyssa.
 
Nagbabahagi rin ang sports news icon ng iba’t ibang ehersisyo na kayang gawin sa bahay sa “Dyanfit,” at hindi rin nagpapahuli ang ilang celebrity sa kanyang hamon na workout sa “Sports U Panalo Challenge.” Pumunta lang sa @SportsUtv sa Facebook para sa workout challenge na ginawa ng beauty queens na sina Pia Wurtzbach, Gazini Ganados, Rachel Peters, at Maxine Medina.
 
Handog naman ni Korina Sanchez-Roxas ang mga kwento ng pag-asa, pananampalataya, at katatagan na tagos sa puso sa “Rated K.” Tuwing 6:45 pm ng Linggo, ipapalabas ang kwentuhan ng multi-awarded journalist kasama ang mga pinag-uusapan na personalidad tulad nina Kim Chiu at Pinky Amador sa “Rated K Exclusive.” Nakakuha na rin ng higit sa tatlong milyong views ang video ng one-on-one interview ni Korina kay Pinky, na paksa ng isang viral video kamakailan lang.
 
Tuwing Martes, nariyan din ang “RATEDKlasiks” para sa mga istoryang natampok na sa programa na tiyak na magbibigay ng inspirasyon sa mga Pilipino. Bida naman ang trending topics at mga nagbabagang isyu tuwing Huwebes sa “RatedK Now.”

Sundan ang  “Sports U” (fb.com/SportsUtv), “Rated K,” (fb.com/RatedKOfficial), at “Matanglawin” (fb.com/MatanglawinTV) sa Facebook. Para sa updates, i-follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.