News Releases

English | Tagalog

BrightWin ng “2gether,” libreng makakasama ng Pinoy fans sa Biyernes

June 23, 2020 AT 02:38 PM

“2gether’s” BrightWin holds free, live interview with Filipinos on Friday

Fans are in for a treat as the best questions they posted on Twitter will be answered by Bright and Win in their interview.

Makakasama ng Pinoy fans ang mga bida ng sikat na Thai series na “2gether” na sina Bright Vachirawit at Win Metawin sa unang live interview nila sa Pilipinas ngayong Biyernes (Hunyo 26), 4 PM sa iba’t ibang digital platforms ng ABS-CBN.
 
Siguradong siksik sa kilig at saya ang usapan dahil sasagutin mismo nina Bright at Win ang piling mga tanong ng fans sa Twitter.
 
Mapapanood ang “BrightWin Live” nang libre sa ABS-CBN Entertainment YouTube, Facebook, at Twitter accounts, sa iWant app at Facebook page nito, at sa Facebook accounts ng Dreamscape Entertainment, Kapamilyanovelas, at Asianovela Channel.
 
Ang “2gether The Series” ang pinakaunang Tagalized Thai series sa bansa at mapapanood na nang libre sa iWant simula ngayong Linggo (Hunyo 28). Iikot ang kwento nito kina Tine at Sarawat, dalawang college students na magkukunwaring magkasintahan at mahuhulog ang loob sa isa’t isa.
 
Simula noong Pebrero, naging instant hit na ang romance-comedy series sa social media at umani ng maraming Pinoy fans para sa tandem nina Bright and Win dahil sa malakas nilang chemistry.
 
Ang “2gether The Series” ang unang Thai show na ipapalabas sa iWant bilang bahagi ng kasunduan ng ABS-CBN at Thai content company na GMMTV.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE