News Releases

English | Tagalog

Tagalized version ng Thai series na “2gether,” magpapakilig na sa iWant ngayong NGAYONG HUNYO 28

June 26, 2020 AT 05:48 PM

Tagalized Thai series “2gether” arrives on iWant on June 28

With new daily episodes at 10 PM

Makakapiling na ng mga Pilipino ang blockbuster tandem nina Bright Vachirawit at Win Metawin sa nakakakilig na Thai series na “2gether The Series,” na mapapanood na sa iWant nang libre simula Lunes (Hunyo 28).

 

Ang “2gether The Series” ang pinakaunang Tagalized Thai series sa bansa at sa iWant, kung saan bagong episodes ang mapapanood kada araw tuwing 10 PM.

 

Sa “2gether,” makukulitan ang college chickboy na si Tine (Win) sa masugid na baklang manliligaw nito na si Green (Korawit Boonsri).

 

Upang matigil ang pag-aaligid ni Green, mapipilitan si Tine kasama ang kanyang mga kaibigan na humingi ng tulong mula sa sikat at misteryosong gitarista na si Sarawat (Bright) at pilitin itong magkunwari bilang kasintahan niya. Tatanggihan ni Sarawat ang mga unang alok ni Tine, ngunit bibigay din ito sa plano nang sumali si Tine sa kanyang music club.

 

Bagama’t nagsimulang bilang pekeng magkasintahan, unti-unting malilito ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon dahil mahuhulog sila sa isa’t isa.

 

Simula noong Pebrero, naging instant hit na ang romance-comedy series sa social media at umani ng maraming Pinoy fans sa buong mundo para sa tandem nina Bright and Win dahil sa malakas nilang chemistry.

 

Ang “2gether The Series” ang unang Thai show na ipapalabas sa iWant bilang bahagi ng kasunduan ng ABS-CBN at Thai content company na GMMTV.

 

Humanda para sa matinding kilig na dala ng SarawaTine sa “2gether The Series,” na mapapanood nang libre iWant simula Hunyo 28 (Linggo). Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial at @dreamscapeph sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE