News Releases

English | Tagalog

“FPJ’s Ang Probinsyano," ibang Kapamilya shows magbabalik sa cable at satellite TV

June 04, 2020 AT 07:05 PM

“FPJ’s Ang Probinsyano" and other favorite Kapamilya shows return on cable and satellite TV

Cardo Dalisay and other iconic Kapamilya teleserye characters are returning to TV!

Muling makakasama ng mga Pilipino si Cardo Dalisay at iba pang mga paborito nilang karakter sa mga Kapamilya show sa pagbabalik ng ilan sa mga programa ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel, na mapapanood sa cable at satellite TV sa buong bansa simula Hunyo 13.

 

Mapapanood ang Kapamilya Channel sa SKYchannel 8 sa SD  at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat channel channel 2, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable Telecommunications Association (PCTA) sa buong bansa. I-check ang mysky.com.ph at kontakin ang cable operator para sa malaman ang channel assignment sa ibang lugar.

 

Bagama’t ngayon ay hindi lahat ang makakapanood ng Kapamilya Channel, unti-unting hahanapan ng paraan ng ABS-CBN na maihatid ang mga programa sa higit pang nakararaming nagmamahal at nasasabik sa mga paborito nilang palabas mula sa ABS-CBN.

 

Samahan si Cardo sa maaksyong pakikipagsapalaran niya sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” na ipapalabas ang nakaraang sampung episodes bago ang bagong episodes. It will simulcast live on CineMo after "TV Patrol."

Makakasama ring muli ng mga manonood ang mga sinundang teleseryeng “Love Thy Woman” at “A Soldier’s Heart,” pati na ang live na kulitan at musikahan sa “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado at sa “ASAP Natin ‘To” tuwing Linggo. Sabay ding ipapalabas ang
"It's Showtime" sa Jeepney TV.

 

Hatid naman ng momshies na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at Karla Estrada ang masayang chikahan tuwing umaga sa “Magandang Buhay,” live mula Lunes hanggang Biyernes.

 

Magsisimula muli ang tagisan sa kantahan ng kabataang Pinoy sa new season ng “The Voice Teens,” kasama ang superstar coaches na sina Apl.de.ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga.

Araw-araw din ay maraming movies at classic TV shows na magbibigay ng libangan at inspirasyon. Bukod sa mga programang tinangkilik at minahal ng mga Pinoy, may mga bagong programa rin sa Kapamilya Channel.

 

Tuwing Sabado, mapapanood si Judy Ann Santos-Agoncillo sa “Paano Kita Mapasasalamatan” at tuwing Linggo naman makakasama si Angel Locsin sa “Iba ‘Yan.” Ang dalawang programang ito ay magsasalaysay ng mga kwento at pinagdadaanan sa totoong buhay ng iba’t ibang mga tao.

 

At mula ngayong Hunyo 15, ang highest-rating cable Koreanovela na “The World of a Married Couple” ay mapapanood na sa Kapamilya Channel.

 

Hindi rin mahuhuli ang mga Pinoy sa ibang bansa na na-miss ang ABS-CBN dahil mapapanood sa TFC ang lahat ng mga programa Filipino sa Kapamilya Channel.

 

Dahil sa pagbuhos ng suporta at pagmamahal ng publiko, patuloy na maglilingkod ang ABS-CBN sa mga Pilipino kahit na ipinahinto ang operasyon nito sa TV at radyo ng National Telecommunications Commission noong Mayo 5.

 

Ang cable at satellite TV channels kung saan mapapanood ang Kapamilya Channel ay pag-aari ng iba’t ibang kumpanya at hindi sakop ng cease and desist order ng NTC sa ABS-CBN.

 

Salubungin ang pagbabalik ng Kapamilya shows sa Kapamilya Channel simula ngayong Hunyo 13 sa SKY, Cablelink, G Sat, at karamihan ng cable operators na miyembro ng PCTA sa buong bansa.