News Releases

English | Tagalog

“TV Patrol" at "The World Tonight" mapapanood na sa Kapamilya Channel ngayong Lunes

July 24, 2020 AT 07:26 PM

Powerhouse newscasts “TV Patrol" and "The World Tonight" air on Kapamilya Channel starting Monday

“TV Patrol” and “The World Tonight” will air on Kapamilya Channel on cable TV and satellite TV beginning July 27. Livestreaming of the newscasts is also available on ABS-CBN News' YouTube and Facebook pages, and on iWant.

Dalawang institusyon sa pagbabalita ang mapapanood sa Kapamilya Channel sa pagdating ng “TV Patrol” at “The World Tonight” ngayong Lunes ng gabi (Hulyo 27) sa cable TV, satellite TV, at online.

 

Mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, maghahatid sina Ted Failon, Bernadette Sembrano, at ‘Kabayan’ Noli De Castro ng pinakamahahalagang balita at impormasyong nakalap sa buong bansa sa “TV Patrol” tuwing 6:30 PM.

 

Pagkatapos ng “TV Patrol,” sanib-pwersang iuulat nina Tina Monzon-Palma at Tony Velasquez ang makabuluhang news updates mula sa bansa, Asya, at buong mundo sa pinagkakatiwalaang English newscast na “The World Tonight” pagsapit ng 10 PM.

 

Siksik din sa balita at kaalaman ang Kapamilya Channel tuwing weekend na dadalhin nina Zen Hernandez at Alvin Elchico sa “TV Patrol Weekend” tuwing Sabado, 6 PM at tuwing Linggo, 5:30 PM.

 

Para naman sa hindi makakapanood ng Kapamilya Channel sa TV, live ding ipapalabas ang “TV Patrol,” “The World Tonight,” at “TV Patrol Weekend” sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN News, pati na sa iWant app at iwant.ph.

 

Mapapanood ang “TV Patrol,” “The World Tonight,” at “TV Patrol Weekend” sa Kapamilya Channel sa SKYchannel 8 sa SD  at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa. Available din ang ilang Kapamilya Channel programs sa ibang bansa sa TFC, IPTV, at Online.

 

Para makita ang mga programa ng Kapamilya Channel, bisitahin ang kapamilyachannel.com.