News Releases

English | Tagalog

“Beauty Queens,” “2gether,” at Kapamilya teleseryes on iWant

July 09, 2020 AT 12:38 PM

“Beauty Queens,” “2gether,” and more Kapamilya teleseryes on iWant this July

The BrightWin ‘kilig’ also continues on iWant, as the Tagalized version of the top-trending Thai series “2gether” releases new episodes at 10 PM daily.

Pamilya ang bida sa iWant ngayong Hulyo dahil mapapanood na ang inaabangang family drama na “Beauty Queens” tampok si Miss Universe 1969 Gloria Diaz bilang inang ang tanging gusto lamang ay maging kagaya niya ang kanyang mga anak – isang beauty queen.

 

Sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan, mapapanood na ito sa Hulyo 15 at pagbibidahan din nina Maris Racal, Miss Universe-Philippines 2016 Maxine Medina, Ross Pesigan, at Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez.

 

Pwede ring ulit-ulitin sa iWant ang mga minahal na ABS-CBN teleserye. Mas madali ang panonood ng episodes ng sikat na romance drama na “Princess and I” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, “Forevermore” nina Liza Soberano at Enrique Gil, at iconic 90s comedies na ilang taong nagpasaya at nagpatawa sa mga Pilipino tulad ng “Palibhasa Lalaki,” “Ang TV,” “Abangan ang Susunod na Kabanta,” “OkiDoc,” at “Home Along Da Riles.”

 

 

Darating din sa iWant ang “Precious Hearts Romances” na kapupulutan ng mga aral gaya ng katapatan, pagmamahal sa pamilya, at pagpapatawad na “Impostor” nina Maja Salvador at Sam Milby, “Somewhere in My Heart” nina Kaye Abad at Guji Lorenzana, at “My Cheating Heart” nina Cristine Reyes at Jake Cuenca.

 

Tuloy-tuloy pa rin ang dalang kilig ng BrightWin sa iWant, kung saan mapapanood ang bagong Tagalized episodes ng Thai series na “2gether” tuwing 10 PM araw-araw.

 

Hindi naman kailangang ma-miss ang panonood ng bagong episodes ng paboritong Kapamilya programs na “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Love Thy Woman,” “A Soldier’s Heart,” “Magandang Buhay,” “ASAP Natin ‘To,” at “It’s Showtime dahil may livestreaming ng Kapamilya Channel sa iWant. Maaari ring mapanood anumang oras ang mga episode na ito nang libre sa iWant.

 

Samantala, mas exciting din ang pagtambay sa iWant dahil pwedeng manalo ng mga papremyo kapag nanonood ng kahit anong pelikula, serye, o iWant original na may katumbas na raffle entry sa iWant ONE Promo. May pagkakataong magwagi ang users ng Huawei Mate 30, Mate 30 Pro, Chromecast, at iWant premium access hanggang Hulyo 31. Para sa mechanics, i-click lang ito: iwant.ph.

 

Anuman ang gustong panoorin, nasa iWant ‘yan. Manood ng mga TV show, pelikula, at originals nang libre sa iWant app (iOS at Android) o bisitahin ang iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.