News Releases

English | Tagalog

Martin at Edu, back-to-back ang talk shows sa Kapamilya Online Live

August 20, 2020 AT 02:01 PM

Martin and Edu go back-to-back with talk shows on Kapamilya Online Live

Catch “Good Vibes with Edu” and “LSS: The Martin Nievera Show” on Kapamilya Online Live back-to-back every Sunday at 4:30pm and 5pm, respectively, beginning August 23.

“LSS: The Martin Nievera Show” and “Good Vibes with Edu” mapapanood tuwing Linggo ng hapon

Maghahatid ng dobleng saya ang dalawa sa pinakaminamahal na host sa bansa na sina Martin Nievera at Edu Manzano sa mga programa nilang “LSS: The Martin Nievera Show” at “Good Vibes with Edu,” na mapapanood sa Kapamilya Online Live ng ABS-CBN simula ngayong Linggo (Agosto 23).

Dadalhin ni Martin ang kanyang sigla at galing sa musika habang nakikipag-usap sa kanyang guests sa “LSS: The Martin Nievera Show" ng ANC na uumpisahan ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid ngayong Linggo (Agosto 23), susundan ni “Divine Diva” Zsa Zsa Padilla sa Agosto 30, at ng “the voice of ABS-CBN” na si Peter Musngi sa Setyembre 6.

Dagdag sa dapat abangan ng viewers ang pakikipag-kumustahan ni Martin kay American Idol runner-up Jessica Sanchez sa Setyembre 13; beteranong TV personality na si Johnny Litton sa Setyembre 20; at “Pop Diva” Kuh Ledesma sa Setyembre 27.

Samantala, ibibida naman ni Edu ang saya at katatawanan sa “Good Vibes with Edu" ng Metro Channel kung saan tampok ang masayang talakayan at mga laro kasama ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at iba pang personalidad gamit ang Zoom. Abangan ang kulitan kasama sina GB Labrador at Rex Navarrete ng Comedy Manila ngayong Linggo (Agosto 23).

Magbabalik-tanaw din si Edu sa mga masasayang alaala niya sa telebisyon sa mga susunod na episode ng “Good Vibes with Edu," gaya na lang ng reunion ng “Abangan ang Susunod na Kabanata” cast kasama sina Tessie Tomas, Noel Trinidad, Carmi Martin, at Winnie Cordero at ng “Sic O’ Clock News” kasama sina Jaime Fabregas, Joji Isla, at Nonie Buencamino.

Ang kaabang-abang na mga palabas ay nagbabalik sa mga manonood sa '80s at '90s, kung saan nanguna sa telebisyon sina Martin at Edu sa late night shows nila na “Martin After Dark” at “Not So Late Night with Edu.”

Inumpisahan ng Kapamilya Online Live ang panibagong karanasan sa panonood para sa mga Pilipino dahil ineere ng ABS-CBN ang mga bago at lumang palabas nito sa YouTube page at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment nang libre para mapalakas ang presensya nito online at marating ang mas maraming manonood.

Abangan ang “Good Vibes with Edu” at “LSS: The Martin Nievera Show” sa Kapamilya Online Live back-to-back tuwing Linggo, 4:30pm at 5pm simula ngayong Agosto 23. Panoorin ang livestream ng iyong paboritong bago at lumang Kapamilya shows sa Kapamilya Online Live at mag-subscribe sa YouTube channel (youtube.com/abscbnentertainment) at Facebook page (fb.com/ABSCBNnetwork) ng ABS-CBN Entertainment. Para sa kumpletong programming schedule, bisitahin ang www.kapamilyaonlinelive.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE