News Releases

English | Tagalog

Kapamilya love, ramdam rin sa labas ng Metro Manila dahil sa "Pantawid ng Pag-ibig"

August 06, 2020 AT 06:06 PM

More Filipinos outside Metro Manila receive Kapamilya love from "Pantawid ng Pag-ibig"

Kapamilya love reached more Filipinos as ABS-CBN Foundation’s “Pantawid ng Pag-ibig: Isang Daan. Isang Pamilya.” campaign distributed food packs and Ligtas bags outside Metro Manila for those greatly affected by the community quarantine imposed to contain COVID-19.

ABS-CBN Foundation, halos 900K na pamilya na ang natulungan ngayong pandemya 

 

Patuloy na nadarama ng mas maraming Pilipino ang Kapamilya love sa pamimigay ng ABS-CBN Foundation ng food packs at Ligtas bags sa labas ng Metro Manila para sa mga taong apektado ng pinaiiral na community quarantine upang masugpo ang COVID-19. 

Sa pamamagitan ng “Pantawid ng Pag-ibig: Isand Daan. Isang Pamilya.”, 1,500 pamilya na may senior citizens ang nabigyan ng food packs sa Sta. Barbara, Baliuag, Bulacan. Higit sa 1,000 pamilya rin ang nahatiran ng food packs at Ligtas bags sa Batangas. 

Sa patuloy na suporta ng iba’t ibang donors sa “Pantawid ng Pag-ibig,” naramdaman din ang pagmamahal at malasakit mula sa Kapamilya ng 500 pamilya, kabilang na ang mga komunidad ng katutubo sa Bataan. Umabot din ang suporta sa iba’t ibang barangay sa Bicol na nabigyan ng 1,500 food packs at 3,000 ligtas bags. 

 

Naglalaman ng mga mahahalagang kagamitan na magagamit sa oras ng sakuna ang Ligtas bags, na unang ipinamahagi ng ABS-CBN sa kampanya nitong “Tulong-Tulong sa Taal.”

Nakapagtala na noong Hulyo 30 ang ABS-CBN “Pantawid ng Pag-ibig” ng higit sa P444 milyong donasyong salapi at produkto mula sa iba’t ibang indibidwal at organisasyon na napakinabangan ng mahigit 872,000 na pamilyang nawalan ng hanapbuhay sa gitna ng pandemya, na naging ugat ng matinding kawalan ng trabaho sa bansa.

Ayon kay ABS-CBN Integrated Public Service head Jun Dungo, na siya ring direktor ng Sagip Kapamilya, nagagalak ang ABS-CBN Foundation sa patuloy na pagsuporta ng mga Pilipino sa kanilang adhikain.

“Karangalan natin na pagkatiwalaan tayo ng publiko whether individual or institutional donors. Ipinagkakatiwala nila sa atin itong kanilang donations kasi siguro iyong trust nila makakarating ito doon sa mga nangangailangan,” sabi niya.

Sa layuning makapaghatid ng tulong sa isang milyong pamilya bago matapos ang Agosto, patuloy na kumakalap ng donasyon ang “Pantawid ng Pag-ibig: Isang Daan. Isang Pamilya.” ng ABS-CBN Foundation lalo na nasa ilalim ng community quarantine pa rin ang iba-ibang bahagi ng bansa. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang pantawidngpagibig.com, abs-cbnfoundation.com, o i-follow ang ABS-CBN Foundation (@abscbnfoundationinc) sa Facebook. Para sa ibang balita, i-follow ang ABS-CBNPR (@abscbnpr) sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.