News Releases

English | Tagalog

Fans ng MNL48, excited sa kahulugan ng #MNL48SavetheDate hashtag

September 26, 2020 AT 12:23 PM

Excited na excited ang fans ng MNL48 malaman kung ano ba ang ibig sabihin ng #MNL48SaveTheDate. 

 

Umaapaw kasi ang posts sa Facebook at Twitter page ang MNL48 ng mga litrato kuha sa music video ng past nilang singles na may nasabing hashtag. Lahat ng litratong kuha ay galing sa kanilang pang-apat at panlima nilang kanta na single na "Ikaw Ang Melody" at "High Tension."

 

Nagkaroon tuloy ng iba't-ibang theories ang ilang netizens na may mangyayaring malaki.  

 

"Feeling ko project girl group co-manage ng Star Hunt, tas ila launch sa Sept.30, feeling ko lang naman," saad ni Facebook user Ran Deres. 

 

Hula ni  @SernalViloria "September 30 tapos puro mv yung pinapakita baka mv na yan ng River."

 

Samantala para kay Facebook user Phionalyn Martinez, ginawang detective ang fans sa pag-imbestiga sa mangyayari sa announcement. 

 

"So ayan na nga po mga kaibigan nagsisilabasan ang mga kapatid ni detective conan ano kanya-kanyang conclusion ang mnloves pati sa mv ng HT na sa sep 30 daw magaganap ang save the date ano.... Ano po na ba kasing meron diyan ng ma-stop na ang aming pag-iisip kasi dudugo na utak namin," sey niya. 

 

Samantala, ang susunod na reunion kung saan tampok ang grupong L ay mangyayari na sa Oktubre 2 (Biyernes). Natapos na rin ang botohan para sa magiging lead stars ng bago nilang digital series na " #MNL48 Presents: Pranks Not Dead." Abangan sina MNL48 Jan, Andi, Coleen, Dian and Alice sa nasabing series. 

 

Sunod-sunod ang naging handog ng kanilang paboritong Oshis sa mga reunions ng mga grupong MII at NIV. Nitong Setyembre 17, naglabas din ng music video ang bagong unit group ng MNL48 na Baby Blue para sa kanilang single na "Sweet Talking Sugar." Bukod pa dito lumabas na rin ang kanilang dalawang digital series na "MNL48 Presents:Chain" at "MNL48 Presents: Bye, Us."

 

Para sa updates sa MNL48, pumunta lamang sa official Facebook (https://www.facebook.com/mnl48official/), Twitter (@mnl48official), Instagram (@mnl48official), at YouTube account ng grupo.