News Releases

English | Tagalog

Iza, makukumpirmang anak ni Sam Milby si Baby Jacob sa "Ang Sa Iyo Ay Akin"

September 30, 2020 AT 12:18 PM

Titigil ang mundo ni Ellice (Iza Calzado) sa kanyang pagtuklas na anak pala ni Gabriel (Sam Milby) si Baby Jacob, ang anak ni Marissa (Jodi Sta. Maria) sa "Ang Sa Iyo Ay Akin."  

  

Mistulang may bombang sasabog sa harapan ni Ellice nang makita niya ang Affidavit of Admission of Paternity na pinirmahan ng kanyang asawa nang sundan niya ito sa isang law office. Biglang maaalala nito ang lahat ng kanyang naging hinala at pagdududa sa relasyon ng dalawa at ang tahasang pagtanggi nito.   

 

  

Sa mangyayaring rebelasyon, ano na kaya ang susunod na hakbang ni Ellice sa kanyang best friend at asawa? Kukumprontahin kaya niya ito o matutuloy sa hiwalayan nila ni Gabriel?   

  

Talaga naman kinapitan na ng manonood ang hit seryeng "Ang Sa Iyo ay Akin" dahil bukod sa pagtrend nito sa Twitter gabi-gabi, nitong Setyembre 22 ay most watched teleserye na sila sa iWant TFC.   

  

Huwag na palampasin ang painit na painit na kaganapan sa seryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin." gabi-gabi sa Kapamilya Online Live o Kapamilya Channel tuwing 8:40 PM.  

  

Maari rin nila mapanood ang dalawang advance episodes ng serye sa iWant TFC.  I-download lang ang app sa Google Play o App Store, o bumisita sa iWantTFC.com.