News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, naghahanap ng Ultimate Bida Star online

September 08, 2020 AT 11:00 AM

ABS-CBN turns to digital to find the Ultimate Bida Star

“Bida Star” is Star Hunt’s newest virtual talent competition set to discover the first Ultimate Bida Star.

Patuloy ang digital shift ng ABS-CBN dahil mula live auditions, sa online naman ito naghahanap ng pinakamagaling at pinakamaningning para tanghaling Ultimate Bida Star sa “Bida Star,” ang pinakabagong online talent competition ng Star.
 
Mula sa libo-libong nag-audition para sa pagkakataong maging star dreamer, 50 lamang ang napiling magpatuloy sa kumpetisyon para sa pagkakataong mag-uwi ng P25,000 at bumida sa isang short feature kasama ang isang Kapamilya artist.
 
Linggo-linggo, sasailalim ang star dreamers sa KUMU acting challenge at mentor’s challenge na susubok sa kanilang husay at talento. Iba’t-ibang respetadong mentors naman ang tutulong sa kanila para to ilabas ang kanilang “Bida Star” quality.
 
May pagkakataon din ang fans na ipadama ang kanilang suporta sa pagbigay ng KUMU virtual gifts o pagboto sa ktx.abs-cbn.com sa pambatong kanilang gusto bawat linggo. 
 
Sa dulo ng bawat linggo, ang star dreamer na makakakuha ng pinakamababang bilang ng KUMU gifts at puntos mula sa mentors ay hindi na magpapatuloy pa sa kumpetisyon.
 
Sa ilalim ng produksyon ng TVDG, ang “Bida Star” ang isa sa mga pinakabagong digital initiatives ng ABS-CBN matapos ilunsad ang Kapamilya Online Live na nagpapalabas ng bago at minahal na mga programa nang live at on-demand, ang TuTuBee channel YouTube na para sa mga bata, mga digital events sa KTX.ph ticket portal, at marami pang original digital offerings gaya ng Online Kapamilya Shows (oks.abs-cbn.com), ang “We Rise Together” Star Cinema, at For Your Entertainment channel on Kumu app.
 
Para sa updates tungkol sa audition at eksklusibong content ng “Bida Star,” i-follow lang ang Star Hunt sa Facebook (@starhuntabscbn), Kumu (@starhuntabscbn), Twitter (@starhuntabscbn), Instagram (@starhuntabscbn), at Tiktok (@starhuntabscbn).