News Releases

English | Tagalog

Unang fancon ng BGYO, mangyayari na sa Enero 29 sa KTX.PH

January 17, 2021 AT 02:17 PM

Mangyayari na ang pinaka-aabangan na formal launch na pinakabagong P-Pop group na BGYO na "Be The Light: THE BGYO Launch" sa darating na Enero 29 (Biyernes) sa KTX.PH.  

 

Pinamagatang “Be The Light: THE BGYO Launch,” an online event ay punong-puno ng kasiyahan dahil hatid nito ang kaabang-abang na performance ng grupo, mga video na nagpapakita ng kanilang paglalakbay patungo sa kanilang launch, at pati na rin ang paglulunsad ng music video ng kailang unang single na “the Light.”   

 

Ang online event ay ang kauna-unahang fan conference ng BGYO, na magbibigay ng pagkakataon sa mga fans na makahalubilo ang kanilang idols at sumali sa ilang fun games. Mabibili na ang tickets sa fan conference sa halagang P499 sa KTX.PH.  

 

Ang BGYO ay binubuo nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Natem na dating kilala bilang SHA Boys. Nahasa sila sa Star Hunt Academy, na naghahanda sa mga artists na gusting maging international star. 

 

Maaari nang i-follow ang BGYO sa kanilang official media accounts: bgyo_ph sa Twitter, Facebook, at Instagram samantalang @officialbgyo naman sa Tiktok at BGYO Official sa YouTube. Pwede rin i-follow ang bawat BGYO member as kani-kanilang social media accounts na gumagamit ng official BGYO logo sa kanilang profile pictures at ng “ofcbgyo” sa kanilang usernames. 

Higit na sa two million views ang nahakot ng knailang “Its Showtime” performance. Nakita na rin ang kanilang husay sa “ASAP Natin ‘To,” ABS-CBN’s “Ikaw ang Liwanag at Ligaya” Christmas special, pati na ang KTX: Ang Babait Ninyo Christmas Special pre-showat sa PBB Connect Opening Night. 

Ang BGYO members ay ilan the mga bagong dagdag sa Star Magic, kasama ng kanilang sister group na BINI, na hinasa rin ng Star Hunt Academy nang dalawang taon.  Naging parte rin sila ng pamilya ng Star Music noong nakaraang taon.