News Releases

English | Tagalog

Angelica at Zanjoe, magkakabalikan na nga ba?

January 25, 2021 AT 11:21 AM

Nagbabadyang bumalik ang pagtitinginan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo sa kabila ng patuloy na imbestigasyon sa sindikatong pumatay sa anak ni Celine (Angelica) sa “Walang Hanggang Paalam” ng ABS-CBN.
 
Bumaliktad na ang kapalaran laban sa pamilya ng magkapatid na Anton (Zanjoe) at Amelia (Cherry Pie Picache) matapos ipapaslang ang nanay nila, na bago mamatay ay umamin sa publikong kasangkot siya sa iligal na negosyong organ trafficking at nagbantang ilalantad ang mga kasosyo nila.
 
Dahil wala pang ebidensyang nakakalap laban kina Anton at Amelia, inosente pa rin sila sa mata ng batas. Ngunit para kay Celine, pagkakataon ito para mapalapit sa katotohanan kaya naman muli niyang papasukin sa buhay niya ang dating fiancé.
 
Hanggang kailan maitatanggi ni Anton ang katotohanan? At ano ang magiging papel ni Nestor (Joko Diaz) sa pagpapabagsak sa pamilya nina Anton at Amelia?

 

Panoorin ang “Walang Hanggang Paalam” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.
 
Mapapanood pa rin ito sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD  at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring tumutok sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel at IPTV.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.