News Releases

English | Tagalog

Iza, kakainin ang mga salita at luluhod kay Jodi

January 25, 2021 AT 12:46 PM

Inaabangan na ng mga manonood ang muling komprontasyon nina Ellice (Iza Calzado) at Marissa (Jodi Sta. Maria) ngayong linggo sa “Ang Sa Iyo Ay Akin” kung saan kakainin ng una ang kanyang mga salita at luluhod sa huli maisalba lamang ang anak na si Hope (Kira Balinger). 

 

Natuklasang may leukemia si Hope at tanging kapatid niya lang ang maaaring maging donor ng bone marrow. Ipapakulong na sana si Jake ni Ellice matapos nitong mahuli na patakas na pinuntahan si Hope sa ospital. Nagbago lang ang kanyang desisyon nang malaman niyang kailangan niya ito bilang donor ng bone marrow. Humingi ito nang tawad sa binata at hiniling na sana tulungan nito ang kapatid.   

 

Hindi naman nag-alinlangan ang binata at pumayag sa hiling ni Ellice. Ngunit, pagdating sa ospital, nalaman nilang kailangan makuha ang consent ni Marissa bago maging ganap na donor si Jake.   

  

Ani ni Ellice sa inang si Belen nang sinabi nitong masama makipag-negosasyon sa isang demonyo, "If that devil can spare my daughter's life then I'm willing to die and go to hell for it."  

  

Pumayag kaya si Marissa sa pakiusap ni Ellice sa anak? Hanggang saan aabot ang pagmamakaawa ni Ellice para isalba ang buhay ng anak?  

  

Alamin kung papayag si Marissa sa pakiusap ni Ellice sa mga darating na gabi sa "Ang Sa Iyo Ay Akin," palabas gabi-gabi, 8:40 PM sa A2Z channel.  

  

I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.  

  

Palabas rin ito sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).  

  

Mapapanood din ito Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWant TFC app oiwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.