News Releases

English | Tagalog

"We Give Our Yes" ni Jamie, awitin para sa pagdiriwang ng '500 years of Christianity' sa bansa

January 25, 2021 AT 11:08 AM

Jamie lends her voice for inspirational song "We Give Our Yes"

“We Give Our Yes” conveys the power of faith and hope in these trying times and reminds Filipinos to keep giving their yes to the mission of Jesus. 

Ilulunsad ng Star Music at Archdiocese of Manila ang official mission song para sa pagdiriwang ng “500 Years of Christianity in the Philippines” na pinamagatang “We Give Our Yes” at bibigyang-buhay ito ng nag-iisang Inspirational Diva na si Jamie Rivera. 

Hatid ng “We Give Our Yes” ang lakas ng pananampalataya at pag-asa sa gitna ng mga pagsubok at paalala para sa mga Pilipino na patuloy na mag-‘yes’ sa misyon ni Hesus.

Kinomisyon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang awitin noong 2015 National Mission Conference para sa nakatakda at tunay na makasaysayang pagdiriwang ng ika-500 taong anibersaryo ng Kristiyanismo sa bansa ngayong 2021 na may temang “Gifted to Give.” 

Ang multi-awarded church composer na si Fr. Carlo Magno Marcelo ang siyang nagcompose ng “We Give Our Yes” at prinodyus naman ng ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo ang espesyal na rendisyon ni Jamie.

Ito na nga ang pinakabagong inspiring song na hatid ni Jamie na kamakailan lamang ay ginawaran ng Hall of Fame award para sa Best Inspirational Song category sa 42nd Catholic Mass Media Awards.

Ang Kapamilya singer din ang nagsilbing boses sa ilan pang natatanging kanta tulad ng “We Are All God’s Children,” “The Jubilee Song,” “Only Selfless Love,” at “Tell the World of His Love.”

Pakinggan ang “We Give Our Yes” ni Jamie Rivera sa iba’t ibang digital platforms simula Biyernes (January 29). Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).