News Releases

English | Tagalog

Pinakabatang housemate na si Haira na-evict sa "PBB Connect"

January 26, 2021 AT 11:34 AM

Youngest housemate Haira is fifth evictee in "PBB Connect"

Haira Palaguitto, the 16-year-old ‘Makatang Marikit ng Pangasinan,’ said her tearful goodbye to her fellow housemates after she became the season’s fifth evictee after only getting 2.61% of the combined Kumu and text votes on “PBB Connect” on Sunday (January 24).

Double eviction, posible ngayong linggo

Luhaang umalis ng Bahay ni Kuya ang 16-anyos na ‘Makatang Marikit ng Pangasinan’ na si Haira Palaguitto pagkatapos makaani lamang ng 2.61% ng pinagsamang Kumu at text votes noong Linggo (Enero 24) sa “PBB Connect.”
 
Nasalba naman ng mga manonood sina Ella Cayabyab (16.87%), Kyron Aguilera (9.38%), at Aizyl Tandugon (8.13%) sa ikalimang eviction night ng programa.
 
Pero mas tumitindi ang mga pagsubok sa loob ng bahay ni Kuya dahil nakasalalay mismo sa kamay ng housemates kung magkakaroon sila ng double eviction pagkatapos mamaalam ni Haira.
 
Sa kanilang bagong special task na tinaguriang “Delika-dos,” posibleng dalawang housemates ang mag-iimpake at mamamaalam sa bahay ni Kuya sa susunod na eviction night depende sa team performance ng 13 natitirang housemates.
 
 
Kabilang dito ang tatlong bagong housemates na pinili ng Kumunity na sina Amanda Zamora ng San Juan, Quincy Villanueva ng Laguna, at ang kakapasok lang na si Gail Banawis ng New York. 
 
Samantala, mananatiling ligtas naman sa eviction ngayong linggo sina Alyssa Exala ng Australia at Chico Alicaya ng Cebu matapos mapanalunan ang supercharged tasks ni Kuya na nagbigay sa kanila ng proteksyon sa eviction bilang Heads of Household.
 
Masusubukan din ang galing ng housemates sa live online selling sa Kumu ng produktong gagawin nila bilang kanilang weekly task.
 
Kayanin kaya ng housemates ang “Delika-dos” at live online selling tasks ni Kuya?
 
Tutukan iyan at iba pang mga pangyayari sa “PBB Connect,”  10 pm tuwing Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel. Samahan din sina Bianca at Robi sa “PBB KUMUnect Tayo” ng 10 pm (Lunes hanggang Sabado) at 8:30 pm (Linggo) at sina Melai at Enchong sa “PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show” ng 5 pm sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn). Abangan din ang updates ni Richard anumang oras sa araw sa “PBB” official accounts sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), Instagram (PBBABSCBNTV), at YouTube (Pinoy Big Brother). 
 
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom