News Releases

English | Tagalog

Bagong cast member ng hit series na "Riverdale" na si AC at BGYO, yayanigin ang "ASAP" stage ngayong Linggo

January 30, 2021 AT 10:42 PM

World-class na pasabog ang handog ng "ASAP Natin To" sa pagsalubong nila sa pinakabagong cast member ng "Riverdale" series at Kapamilya star na si AC Bonifacio at pinakabagong P-Pop group na BGYO ngayong Linggo (Enero 31). 

 

Isang powerful na collaboration ang dapat abangan mula kina Regine Velasquez at trending band na The Juans.

 

Pagkatapos naman ng dalawang taon mula ng inawit ni Janine Berdin sa "TNT Grand Finals 2018" ang mga kanta ni Bamboo na siyang nagpapanalo sa kanya, matutupad ang kanyang birthday wish na makasama ang kanyang idolo sa 'ASAP' stage.   

 

Makikisaya rin sa longest-running variety show ang most requested loveteams na sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Francine Diaz, Ashley del Mundo at Tan Rocal, Karina Bautista at Aljon Mendoza, at Loisa Andalio at Ronnie Alonte. 

 

Bonggang performances naman ang dapat abangan ng fans kina Queen of Teleserye Theme Songs Angeline Quinto at Prince of Pop Erik Santos para i-celebrate ang anniversaries ng "Star Power" at "Star in A Million."

 

Huwag palampasin ang kasiyahan ngayong Linggo (Enero 31) ng 12NN sa Kapamilya Channel,  Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5. 

 

Maari din mapanood ito ng digital TV box users, tulad ng TVplus box users. I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. 

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom