News Releases

English | Tagalog

Tickets sa "Freedom" concert ni Regine, pinakyaw

January 08, 2021 AT 04:53 PM

Tickets for Regine's "Freedom" digital concert now up for grabs

VIP tickets to the biggest online concert of the “Asia’s Songbird” to date, “Freedom: Regine Velasquez-Alcasid Digital Concert,” were sold out in less than 12 hours after tickets went on sale!

VIP tickets sold out agad; 100 slots idinagdag


Inaabangan talaga ang Valentine’s concert ni Regine Velasquez-Alcasid at patunay diyan ang mabilis na pagkaubos ng VIP tickets para sa unang digital concert niya ngayong 2021 na “Freedom.”
 
Ang “Freedom: Regine Velasquez-Alcasid Digital Concert” ang pinakamalaking online show ng “Asia’s Songbird” na nakabenta agad ng P500k na halaga ng tickets 10 minuto lang matapos buksan ang pagbebenta nito at umabot na sa mahigit P1 milyon wala pang 12 oras ang nakakalipas.
 
Dahil din sa nagkaubusan agad ng limited VIP tickets (P2,500) na may kasama nang access sa concert, virtual meet-and-greet, pasilip sa behind the scenes, at Zoom after party kung saan pwedeng mag-request ng kanta kay Regine, nagdagdag pa ng karagdagang 100 slots para sa fans. Pero pwede pa ring makabili ng access pass sa halagang P1,200.
 
Handog ng ABS-CBN Events at IME ang “Freedom” sa ilalim ng stage direction ni Paolo Valenciano at musical direction ni Raul Mitra. Dapat abangan ang kakaibang concert experience na ito na puno ng musika at mga sorpresang bisita.
 
Mapapanood ang concert worldwide sa digital platform na KTX.ph, gaya ng mga naunang eksklusiblo at matagumpay na musical events na “New Normal” ni Jed Madela at "Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience."
 
Ipagdiwang ang araw ng mga puso kasama si Regine sa “Freedom” digital concert ngayong Pebrero 14 (Sabado). Mag-book na ng ticket sa KTX.ph. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang KTX.ph sa Facebook (www.facebook.com/ktxtickets), Twitter (@KtxPH), at Instagram (ktx.ph).