News Releases

English | Tagalog

Markus at Moophs nagsamang muli para sa kantang "Real"

October 01, 2021 AT 11:56 AM

May bagong single ang actor-singer na si Markus Paterson at Tarsier Records label head na si Moophs na pinamagatang “Real.”
 
Pangalawang kolaborasyon na ito ng dalawa ngayong 2021, kasunod ng Father’s Day single nilang “Every Day,” na inalay nila sa mga una nilang anak—kay Jude na anak ni Markus sa girlfriend na si Janella Salvador at kay Odriana na anak ng mag-asawang Moophs at Alex.

 
Tungkol ang “Real” sa pagdedesisyong magcommit sa hinaharap kasama ang espesyal na tao habang inaalam kung gaano nga ba ka-genuine ang koneksyon nila sa isa’t isa.
 
Kwento ni Moophs, nag-ugat ang R&B, neo-soul single sa isang random guitar idea para sa ibang kantang tinugtog niya na may kakaibang chord progression, na kinalaunan ay binuo niya bilang hiwalay na kanta.
 
Oktubre noong 2020 nang ilabas ni Markus ang “B-Side” EP niya na sa ngayon ay meron nang mahigit 3 million streams sa Spotify. Ilan naman sa mga pinakabagong proyekto ni Moophs ang “Shipwrecked” kasama si Bugoy Drilon at “Afraid” kasama ang dating BoybandPH member na si Russell.
 
Pakinggan ang single nina Markus at Moophs na “Real” sa iba’t ibang digital streaming music platforms. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa iba’t iba nitong social media accounts, @tarsierrecords.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE