News Releases

English | Tagalog

Mapanakit na kanta ni KZ na “11:59,” pang-international release

October 21, 2021 AT 02:33 PM

KZ soars to greater heights in hard-hitting song “11:59”

Grammy-nominated producer Luigie “Lugo” Gonzales, Paulino Lorenzo, and Idrise Ward-El produced KZ’s first single under Tarsier Records.

Angat ang boses at emosyon ni Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan sa pinakabago niyang awitin na pinamagatang “11:59,” na ilulunsad ngayong Biyernes (October 22).
 
Ang Grammy-nominated producer na si Luigie “Lugo” Gonzales kasama sina Paulino Lorenzo at Idrise Ward-El ang nagprodyus ng kanta, na nagsisilbing unang proyekto ni KZ mula sa Tarsier Records na pang-international release sa pagpapatuloy ng ABS-CBN na ibida ang talentong Pinoy sa global stage.  
 
“It's the realization of a vision. Parang after my ‘X Factor’ 2012 stint, the dream was always to go international, to represent the country on the world stage. And now I get to release this,” ani KZ.
 
Kwento niya bago niya ini-record ang kanta, “I just wanted to be ready, na alam nila na ‘She did the work.’ Sobra akong kinakabahan kasi it's a new environment, new people, i-add mo pa na I was working with a Grammy-nominated artist so I didn't wanna disappoint him.”
 
Dadalhin ng mapanakit na awiting “11:59” ang listeners sa kwento ng nag-iibigan na sinusubok alamin ang susunod na hakbang sa kanilang relasyon, habang ang isa ay naghihintay ng sagot mula sa minamahal.
 
Mapapanood din ang “11:59” music video na idinirek ni Dominic Bekaert ng Zoopraxi Studios at magtatampok sa mensahe ng kanta at maglalarawan ng konsepto ng oras gamit ang isang circular set.
 
Kilala sa kanyang edgy at authentic na tunog at istilo, unang nakilala ang “X Factor Philippines” season one grand winner sa labas ng bansa noong sumali siya sa “Singer 2018” singing competition sa China kung saan naging viral ang kanyang performance. Taong 2019 naman nang naging unang Pinoy si KZ na nagkaroon ng sold-out concert sa Dubai World Trade Center Arena.
 
Sunod-sunod din ang proyekto ng Kapamilya singer ngayong 2021. Siya ang umawit ng unang full Filipino version ng Disney song na “Gabay” para sa pelikulang “Raya the Last Dragon.” Naglabas din siya ng wedding EP na pinamagatang “Simula” kasama ang asawa at fellow Filipino artist na si TJ Monterde.” Siya rin ang nagsilbing interpreter ng kantang “Marupok” na nagwagi bilang Best Song sa Himig 11th Edition.
 
Mapapakinggan na ang “11:59” single ni KZ sa iba’t ibang music streaming platforms simula Biyernes (October 22) at mapapanood na rin ang music video nito sa Tarsier Records' YouTube channel simula 11:59 AM ngayong October 22. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa social media accounts nito @tarsierrecords.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE