News Releases

English | Tagalog

Double birthday treat nina Janine Gutierrez at Ronnie Alonte live na live sa 'ASAP Natin 'To'

October 22, 2021 AT 10:04 PM

Double birthday celebrations of Janine Gutierrez and Ronnie Alonte live on 'ASAP Natin 'To'

It's a weekend party you shouldn't miss from the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," live this Sunday at 12 NN

Abangan ang Jubilee performance ni Ogie kasama ang paborito ninyong Kapamilya singers
 
Itodo na ang weekend vibes dahil sa hatid na double birthday treat nina Janine Gutierrez at Ronnie Alonte, at ilan pang world-class performances mula sa paborito ninyong Kapamilya stars live na live ngayong Linggo (Oktubre 24) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Maki-party sa kauna-unahang birthday blowout ni Janine Gutierrez sa ASAP stage, habang may birthday pasabog din ang Kapamilya heartthrob na si Ronnie Alonte.

Humanda sa isang bigating TikTok hits number kasama ang buong "ASAP Natin 'To" family, kabilang sina Edward Barber, Joao Constancia, Sam Concepcion, iDolls, at marami pang iba. Tuloy-tuloy rin ang hatawan sa trending sayawan nina Maymay Entrata, Darren, AC Bonifacio, at ASAP dance royalty Kim Chiu kasama ang dancing delivery riders na sina Jomak Peladra, Lloyd Corsino, and Neil Alferez sa "ASAP Discoveries."

Todo-todo rin ang kantahan sa ASAP stage, kabilang na ang Janet Jackson tribute nina Zsa Zsa Padilla, Morissette, Nina, at Regine Velasquez; at isa pang "10Q" treat mula kay Angeline Quinto kasama ang new breed of ASAP singers na sina Diego Gutierrez, Sam Cruz, at Angela Ken.

Ma-inspire din sa handog na Jubilee performance mula kay Ogie Alcasid kasabay sina Erik Santos, Jed Madela, Nyoy Volante, Jason Dy, Kyla, Janine Berdin, Sheena Belarmino, Lara Maigue, Lian Kyla, Anthony Castillo, at Reiven Umali para sa ika-500 na taon ng Kristiyanismo sa bansa.

At pakatutukan ang bigating power ballads kantahan nina Ogie Alcasid, Jed Madela, KZ, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."

Ito ang weekend party na hindi mo dapat ma-miss mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.