News Releases

English | Tagalog

Bagong Thai BL series na "Bad Buddy" libre sa iWantTC

October 29, 2021 AT 12:52 PM

Mala-Romeo at Juliet ang bawal na pag-iibigan ng Thai stars na sina Ohm Pawat at Nanon Korapat sa pinakabagong boys’ love (BL) series na “Bad Buddy” na ipapalabas nang libre sa iWantTFC simula Biyernes (Oktubre 29), 9:30 PM kasabay ng airing nito sa Thailand.
 
Mapapanood ang bagong episodes ng “Bad Buddy” kada Biyernes sa original Thai language nito na may English subtitles. Simula Nobyembre 4 naman, magkakaroon na rin ito ng libreng Filipino-dubbed episodes sa iWantTFC tuwing Huwebes, 8 PM.
 
Susundan ng “Bad Buddy” ang kwento nina Pat (Ohm) at Pran (Nanon), dalawang magkapitbahay na bata pa lang ay pinalaki nang magkakumpitensya. Mamanahin kasi nila ang pagiging magkaribal ng kanilang mga ama sa negosyo at sa lahat ng bagay.
 
Bilang mga bata, lalaki sina Pat at Pran na hindi lubusang naiintindihan ang pinag-aawayan ng kanilang mga pamilya. Pagtatagpuin ulit sila ng tadhana sa kolehiyo kung saan muling mabubuhay ang labanan nila sa isa’t isa.
 
Isang araw, magkakasundo ang dalawang itigil na ang kumpetisyon at maging magkaibigan na lang – ngunit kailangan nila itong ilihim mula sa lahat, lalong lalo na sa kanilang mga pamilya.
 
Sa gitna ng pagkukunwari nilang magkaaway, hindi mapipigilan nina Pat at Pran ang mga puso nilang mahulog sa isa’t isa. Paano kung hindi na maging sapat ang pagiging magkaibigan lang?
 
Mapapanood sa Pilipinas nang libre ang “Bad Buddy” sa iWantTFC app at website (iwanttfc.com) tuwing Biyernes 9:30 PM. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
 
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFCo sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.
 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE