News Releases

English | Tagalog

"Darna" cast, pinangalanan na

October 06, 2021 AT 04:20 PM

"Darna: The TV Series" cast revealed

For the first time ever, a live cast reveal was held at the ABS-CBN Soundstage in Bulacan, followed by a story conference with the whole "Darna" cast.

 Makakasama ni Jane De Leon ang award-winning young actors na sina Joshua Garcia at Zaijian Jaranilla sa pinakahihintay na “Darna: The TV Series” ng ABS-CBN na ididirek ni Chito S. Roño.
 
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng live cast reveal na ginawa pa sa ABS-CBN Soundstage sa San Jose Del Monte, Bulacan na sinundan din ng story conference para sa bagong TV adaptation na magsisimula nang mag-taping sa susunod na buwan.
 


Si Zaijian ang magbibigay-buhay sa papel ni Ding, ang nakababatang kapatid at sidekick ni Darna/ Narda (Jane). Si Joshua naman, na gaganap bilang pulis at EMT na si Brian, ang magiging love interest ni Narda.
 
Katulad ng naunang inanunsyo, si Iza Calzado (Leonor) ang ina ni Narda na gaganap na unang Darna at magpapasa ng bato sa bagong Pinay superhero.
 
Makakasama rin sa programa sina Rio Locsin, Simon Ibarra, Levi Ignacio, Richard Quan, at Kiko Estrada. Pasok din sina Joj Agpangan, Zeppi Borromeo, Mark Manicad, Marvin Yap, Dawn Chang, Tart Carlos, L.A. Santos, Yogo Singh, Young JV, at Gerard Acao ayon sa nangyaring cast reveal.  
 
Samantala, hindi pa pinangalanan ang gaganap na Valentina na magsisilbing kontrabida sa buhay ni Darna. 
 
Hango ang inaabangang TV adaptation sa minahal na karakter na binuo ni Mars Ravelo, na ang nalalapit na ika-105 birth anniversary ay nakatakdang gunitain sa darating na Oktubre 9.
 
Ang JRB Creative Production ng ABS-CBN ang magproprodyus ng serye.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, o TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.