News Releases

English | Tagalog

Kabogerang side ni Maymay ibabandera sa “Mpowered” concert

November 16, 2021 AT 01:16 PM

Kantang “Amakabogera” certified hit; may halos 3 million MV views na
 
Isang kabogerang Maymay Entrata ang dapat abangan sa una niyang virtual concert na “Mpowered,” kung saan bibida siya sa bonggang performances na may mensahe ng empowerment at self-love at mapapanood na ngayong November 26 (Biyernes) sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV.
 
“Isa sa mga pinakanagustuhan ko talaga sa concert ay ibang iba 'yung atake, kabogera ‘yung every performance ko doon,” ani Maymay, na sinabi ring hindi lang pagpapakita ng confidence ang layunin ng concert kundi ipagdiwang din ang kahalagan ng pagpili na maging masaya.
 

Paliwanag niya, “All in all, ang gusto ko lang naman maiparating ay maging empowered at mas maging masaya sila. Kasi gusto ko ‘yung araw ng concert maging isang selebrasyon kumbaga na choice natin na maging masaya.”
 
Bukod sa mga solo performance niya, ipapakita rin ni Maymay sa “Mpowered” ang marami niyang talento kasama ang apat niyang guest. Mula sa katatawanan kasama si Mimiyuuuh, hataw na sayawan kasama si AC Bonifacio, pasiklaban sa kantahan at sayawan kasama si Darren, at mapusong pagkanta kasama si Nyoy Volante, handa na si Maymay ipakita na isa siyang all-rounder.
 
Samantala, tuloy pa rin ang tagumpay ng “Amakabogera” single ni Maymay, na sa ngayon ay meron nang mahigit 2.8 million music video views, 316,000 Spotify streams, at halos 190,000 TikTok entries.
 

Patok din sa netizens ang live performance ng Kapamilya artist sa Wish 107.5 Bus, na meron na ngayong mahigit 3.5 million views at naging number 2 pa sa listahan ng trending videos sa YouTube Philippines.
 
Kwento ni Maymay, noong una ay nag-alangan siya kung handa na ba siyang kantahin ang “Amakabogera” nang live, pero masaya raw siya sa naging resulta ng performance niya at sa tagumpay ng kanta. “Masaya na ako na nagugustuhan nila ‘yung tono, ‘yung kanta pero ‘yung naiintindihan nila ‘yung lyrics, kung ano ‘yung mensahe ng kanta na ipinapahiwatig sa listeners, dun ako mas natutuwa.”
 
Mabibili pa rin ang regular tickets para sa “Mpowered” concert sa halagang P299 para sa main concert access, habang P899 at P1399 naman ang VIP at SVIP tickets na may kasamang special Zoom after party admission kasama si Maymay at hosts na sina DJ Jhai Ho at Edward Barber.
 
Palakasin ang iyong sarili kasama si Maymay at panoorin ang “Mpowered” digital concert ngayong November 26 (Biyernes), 8:30 PM (PHT), na may re-run 10 AM (PHT) kinabukasan (November 27) sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV, at pakinggan ang “Amakabogera” sa iba’t ibang digital music platforms.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE