News Releases

English | Tagalog

"Viral Scandal," kinasasabikan na

November 16, 2021 AT 02:47 PM

Ngayon pa lang ay pinanabikan na ang mga mangyayari sa buhay ng karakter ni Charlie Dizon na si Rica sa "Viral Scandal” matapos ang pilot episode nito kagabi (Nob. 15).

Napanood ng viewers kagabi ang simpleng buhay ng pamilya Sicat kung saan nagtra-trabaho bilang OFW si Kakay (Dimples Romana) habang ang kanyang panganay na si Rica ay pinupunan ang kanyang papel bilang ina at mabuting kapatid kina Bea (Karina Bautista) at Nico (Louise Abuel).

Natungyahan din ang matapang at realistic attitude ni Rica sa mga bagay-bagay tulad ng pre-marital sex at women empowerment na umani ng magagandang papuri sa netizens. Natapos ang episode sa pagising ng dalaga at pagkakita nito sa pulang mansta sa kobre-kama matapos sumamang makipag-inuman sa kanyang mga katrabaho.

 

Sa mga susunod na episodes, dapat abangan ng viewers kung ano ang kahihinatnan ni Rica sa pagkalat ng kanyang video scandal. Panoorin kung ano ang gagawin niya at ng kanyang pamilya sa pang-aalipustang maririnig nila sa mga tao.

 

Subaybayan ang “Viral Scandal” gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.