News Releases

English | Tagalog

Pinaka-unang "Reina ng Tahanan" grand winner, makikilala na sa Sabado

November 16, 2021 AT 11:20 AM

Matapos ang anim na buwan ng kompetisyon, isang buhay ng ina ang maaring magbago ngayong Sabado (Nob.20) sa pagkorona ng "Reina ng Tahanan" sa kauna-unahang nitong grand winner sa "It's Showtime. 

 

Nag-iintay ngayon ang pitong grand finalists na sina Diana Jade Salundaguit, Catrina Antonio, Analyn Salvador, Zenaida Villas, Lilia Aban, Yolly Magat, at Julianne Torres kung sino ang mananalo sa wildcard special ng contest na "Reina ng Tahanan: The Mommy Returns" at kokompleto sa listahan ng finalists. 

 

Ngayong linggo, may pagkakataong muli ang  12 hindi malilimutang Reinanays na magpapakitang gilas para ma-impress ang choosegados na sina Amy Perez, Janice de Belen, Ruffa Gutierrez, at ang special guest nila na si Regine Velasquez.  

Bukod naman sa pasabog ng "Reina ng Tahanan," tuloy-tuloy naman ang pagdiriwang ng ika-12 taon ng programa sa mga artistang dadalaw at sasali sa "Madlang Pi-Poll" ngayong linggo.

 

Nauna na ang "Viral Scandal" lead stars na sina Dimples Romana, Jake Cuenca, at Charlie Dizon para subukan mahulaan ang mga sagot ng madlang pipol. Nakapag-uwi sila ng P70,000 at ido-donate nila ito sa 100 pamilyang nasunugan sa Project 6 sa Quezon City noong Hunyo. 

Sa mga susunood na araw, abangan ang pagbisita ng celebrity mothers na sina Candy Pangilinan, Vina Morales, at Shamcey Supsup, Pinoy Big Brother hosts na sina Bianca Gonzales at Enchong Dee, ABS-CBN News reporters na sina Jeff Canoy, Johnson Manabat, at Migs Bustos, at mga miyembro ng Ex-Battalion. 

 

Panoorin ang “It’sShowtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. 

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.