News Releases

English | Tagalog

British music duo Honne at KZ, magco-collab sa 'ASAP Natin 'To'

November 05, 2021 AT 06:40 PM

British music duo Honne performs with KZ on 'ASAP Natin 'To'

Party hard with your favorite Kapamilya stars on the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," this Sunday at 12 NN

Abangan ang birthday blowout ni Moira dela Torre, finale treat ng 'Huwag Kang Mangamba,' at iba pa

Nagbabalik ang "ASAP Natin 'To" para magbigay muli ng mga fresh epic performance mula sa mga paborito ninyong idol, tulad ng isang must-see collab mula kina KZ at British electro-pop duo Honne, birthday blowout ni Moira dela Torre, inspiring finale treat mula sa "Huwag Kang Mangamba" kasama ang mga naglalakihang OPM star, at marami pang iba ngayong Linggo (Nobyembre 7) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Sa isang ASAP exclusive, pakatutukan ang must-see collab nina Asia's Soul Supreme KZ at British music duo Honne para awitin ang hit song nitong "Coming Home," habang may handog na senti birthday treat naman ang singer-songwriter na si Moira dela Torre, tampok ang bago niyang single na "Pabilin."
 
I-level up pa ang party sa isang mash-up kantahan at sayawan mula sa inyong your "ASAP Natin 'To" family, kabilang sina Janine Gutierrez, Maymay Entrata, Edward Barber, AC Bonifacio, Joao Constancia, Sam Concepcion, Jeremy Glinoga, Zeus Collins at Jimboy Martin ng Hashtags, iDolls, at marami pang iba.
 
Maki-hataw naman kasama ang real-life sweethearts na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio kasama ang trending dancing couple na sina Darren and Louisse Esmade sa "ASAP Discoveries." Tuloy-tuloy rin ang sayawan kasama ang "Viral Scandal" stars na sina Charlie Dizon, Joshua Garcia, Jameson Blake, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Kaila Estrada, Maxene Magalona, Dimples Romana, at Jake Cuenca, habang paiinitin muli ni ASAP dance royalty Kim Chiu ang dancefloor sa kanyang performance.
 
Walang tigil din ang kantahan sa ASAP stage dahil sa all-in performance ni Asia's Pop Heartthrob Darren, at ang mga pasabog na duet mula sa New Gen Birit singers na sina Janine Berdin, JM Yosures, Sheena Belarmino, Sam Mangubat, Lara Maigue, Anthony Castillo, Elha Nympha, at Reiven Umali.
 
At humanda sa isang inspiring finale treat mula sa seryeng "Huwag Kang Mangamba" kasama ang mga bigating OPM star na sina Ogie Alcasid, Erik Santos, Jed Madela, Jason Dy, Nina, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez.
 
Tara na at maki-party to the max kasama ang mga paborito ninyong Kapamilya star sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.