News Releases

English | Tagalog

Beatrice Gomez, pinahanga ang kapwa Pinoy sa pag-abot sa Top 5 ng 70th Miss Universe Competition

December 14, 2021 AT 01:50 PM

Filipinos celebrate Philippines’ Top 5 finish at the 70th Miss Universe Competition

Phrases related to Beatrice and Miss Universe also dominated the trending topics on Twitter Philippines as she breezed through the Top 16, Top 10, and Top 5 of the event.

Panoorin muli ang kanyang laban sa Kapamilya Channel at Metro Channel

Panalo pa rin si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa puso ng mga Pilipino kahit na hindi niya nakamit ang korona sa 70th Miss Universe Competition na live na ipinalabas kahapon (Disyembre 13) sa A2Z channel 11.

Nanguna sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga bumati sa Cebuana beauty queen, na tagumpay na naipagpatuloy ang pagpasok ng Pilipinas sa semifinals ng prestihiyosong beauty pageant, kung saan umabot siya sa Top 5.

 “We are super proud of you Miss Philippines Bea!! Strong performance!” sabi ni Pia sa Twitter, habang “You made us so proud Bea!!!!” naman ang hirit ni Catriona.

Nagpahayag din ng paghanga kay Bea ang Kapamilya personalities na tumutok sa kanyang laban sa Eilat, Israel. “All good!!! Well fought. Congratulations and thank you Beatrice Luigi Gomez!!!!” sabi ni Vice Ganda sa Twitter. Sabi naman ni Bianca Gonzalez, “Tbh (to be honest) Bea got the toughest question sa Top 5. She would have nailed answering body shaming, women leaders, social media, but she still DELIVERED!!!! Nakakaproud maging Pilipina!!!!”

Trending din sa Twitter sa bansa ang mga topic kaugnay kay Beatrice at sa Miss Universe sa kanyang pagpasok sa Top 16, Top 10, at Top 5 ng event. Sa Top 3, si Miss India Harnaaz Sandhu ang nagwaging Miss Universe 2021 habang first runner up si Nadia Ferreira ng Paraguay at second runner up si Lalela Mswane ng South Africa.

Maaaring panoorin muli ang laban ni Bea sa Kapamilya Channel ngayong Linggo (Disyembre 19) ng 10:30 pm at sa Metro Channel ng Disyembre 20 (7 pm), Disyembre 22 (1 pm), at Disyembre 25 (10 pm) na isi-stream lahat sa iWantTFC.

Maganda ang ipinakita ni Bea sa swimsuit at evening gown pa lang, kung saan todo ang hiyawan ng kanyang mga taga-suporta sa loob ng venue sa kanyang bawat labas. "Actually akala ko kami lang 'yung sumisigaw but then again the arena, a lot of Filipinos came to support her. So maraming-maraming salamat sa lahat ng pumunta. Talagang binigyan niyo siya ng lakas ng loob to fight for the crown. And I am very, very proud of her," kwento ni Miss Universe Philippines national director Shamcey Supsup-Lee sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News after the coronation.

Sa isang plug na inere sa Kapamilya Channel at A2Z, nagpasalamat din si Bea sa mga sumuporta at tumulong sa kanyang kampanya. “Daghang salamat Kapamilya for your love and support. Andito tayo para sa isa’t isa, Kapamilya,” aniya.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE