News Releases

English | Tagalog

Anim na housemates nanganganib matapos ang harapang nominasyon sa "PBB Kumunity"

December 15, 2021 AT 03:52 PM

Six housemates up for eviction after face-to-face nomination in "PBB Kumunity"

Tensions rose inside the PBB house as the nine remaining celebrity housemates went through an intense face-to-face nomination for another double eviction this weekend in “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition.

Benedix at Shanaia, naligwak na sa bahay ni Kuya 
 

Tumaas muli ang tensyon sa bahay ni Kuya sa ginanap na harapang nominasyon ng natitirang siyam na celebrity housemates para sa gaganaping double eviction ngayong linggo sa  “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition.  

Nagtapatan ang housemates ng kanilang saloobin kung sino ang kanilang bibigyan ng puntos para sa isa na namang double eviction. Sa huli, sina Alexa Ilacad (9 puntos), Brenda Mage (5 puntos), KD Estrada (5 puntos), Eian Rances (3 puntos), Anji Salvacion (3 puntos), at Jordan Andrews (2 puntos) 

ang pinakamaraming nalikom na puntos at nalagay sa alanganin. Dalawa sa kanila ang lalabas na sa bahay ni Kuya sa weekend, habang mananatili pa sa “PBB” sina Alyssa Valdez, Madam Inutz, at Samantha Bernardo. 

Para bumoto sa Kumu, pumunta sa Kumu Campaigns at pillin ang “vote to save” (https://app.kumu.ph/VotetoSave) o “vote to evict” ( https://app.kumu.ph/VotetoEvict).  Para bumoto via SMS, i-text ang BBS <name of housemate> o BBE <name of housemate> at i-send sa 2366.  

Samantala, nagwakas na ang “PBB” journey nina Benedix Ramos at Shanaia Gomez matapos makakuha ng pinakamababang boto sa naging double eviction noong Sabado (Disyembre 11). 

Nakakuha lamang ng 8.66% ng kabuuang boto ang “Streamboy Apo ng Pangasinan,” habang 13.02% naman ang nalikom na boto ng “Rising Darling ng Quezon City.” 

Sa kabilang dako, naligtas ng outside world sina Madam Inutz (17.54%), Anji Salvacion (16.50%), KD Estrada (15.57%), at Samantha Bernardo (14.32%). 

Ano na naman kayang pasabog ang mangyayari sa bahay ni Kuya ngayong linggo? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu.      

Bukas pa rin ang online auditions para sa “PBB Kumunity Teen Edition.” Iniimbitahan ni Kuya ang lahat ng 15 hanggang 19 anyos na kabataang Pinoy na magpadala ng kanilang audition video. I-download ang Kumu at i-post o i-record ang audition video via Kumu klips, i-post ang video sa Kumu timeline gamit ang #PBBKUMUTEENS, i-share ito sa social media gamit pa rin ang #PBBKUMUTEENS, at i-fill out ang parental consent form sa (forms.abs-cbn.com/PBBKumuTeens). Hanggang Disyembre 31 ang audition period.   

Para sa updates at iba pang anunsyo mula kay Kuya, tutok lang sa “PBB Kumulitan” online show sa Kumu at Facebook kasama sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros tuwing 5:30 pm mula Lunes hanggang Biyernes at kasama si Sky Quizon tuwing 6:30 pm ng weekend. May “Kumunity G sa Gabi” rin mula Lunes hanggang Biyernes sa Kumu kasama si Robi Domingo.  I-follow din ang @pbbabscbntv sa Facebook at Instagram at @pbbabscbn sa Twitter at kumu.  Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.