News Releases

English | Tagalog

“MYX and Match” season 2 mapapanood na sa TikTok LIVE simula December 17

December 16, 2021 AT 04:50 PM

VMX Crush’ Angeli Khang, searcher sa unang episode!
 
Nagbabalik na ang online dating game show na “MYX and Match” kasama ang Tinder para sa ikalawang season nito ngayong Biyernes (December 17), 8PM na eksklusibong mapapanood sa TikTok LIVE (@myxglobal).
 
Kasama ang host na si VJ Ai Dela Cruz, bubuksan ng “MYX and Match” ang bagong season nito tampok ang baguhang Filipino-Korean actress at isa sa mga MaXimum Crush ng Viva (VMX Crush) na si Angeli Khang bilang searcher.
 
Pagkatapos bumida sa mga pelikula niya ngayong 2021 na “Mahjong Nights” at “Taya,” nakatakda namang sumailalim sa iba’t ibang compatibility tests si Angeli kasama ang mga participant sa programa hanggang makapili siya ng kanyang ‘perfect match’.
 
Nagdala ng matinding excitement para sa mga potential participant ang "MYX and Match" season 2 kung saan mahigit 1,000 entries ang naitala sa official casting partner nito na Tinder, pagkatapos magsimulang tumanggap ng mga gustong sumali nitong Disyembre.
 
Para sa mga gustong maging participant sa “MYX and Match” season 2, kailangan lang i-download ang Tinder app sa Google Play Store o Apple App Store at gumawa ng account. Kapag lumabas ang “MYX and Match” profile card sa screen, makipag-match lang dito pagkatapos basahin at intindihing maigi ang terms and conditions.
 
Subukan na ang swerte mo sa bagong pag-ibig at sumali sa “MYX and Match” season 2 at tutukan din ang premiere episode nito bukas (December 17), 8PM sa @myxglobal account sa TikTok LIVE. Para sa iba pang detalye, sundan ang MYX sa Facebook, YouTube, Twitter, kumu, TikTok, at Instagram.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE