News Releases

English | Tagalog

Makisalo sa best-of-the-best yearend party ng 'ASAP Natin 'To' ngayong Linggo

December 23, 2021 AT 08:04 AM

Catch 'ASAP Natin 'To's' best-of-the-best yearend party this Sunday

The year may come to an end, but the all-star fun continues from the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," this Sunday, 12 NN

Tampok ang best-of-the-best ASAP kantahan at sayawan ngayong 2021

Magtatapos man ang 2021 pero tuloy-tuloy ang saya sa hatid na best-of-the-best kantahan at sayawan mula sa paborito ninyong Kapamilya idols, tampok ang mga all-star collab mula sa mga naglalakihang OPM idols, ang hit single performance ni Lovi Poe, isang bigating TikTok hits showdown, power ballad biritan, at iba pa ngayong Linggo (Disyembre 26) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

 

Abangan muli ang ilan pang mga pinagusapang ASAP collab ngayong taon, tulad ng pure energy kantahan at hatawan nina Gary Valenciano, Inigo Pascual, at Kyle Echarri; bigating tandem performance mula kina Bamboo at Concert King Martin Nievera; at ang senti jamming session nina Moira dela Torre kasama ang Ben&Ben.

 

Hindi rin pahuhuli ang precious gem ng showbiz na si Lovi Poe sa kanyang kaabang-abang na best-of-the-best performance, tampok ang single niyang "Candy."

 

Balikan din ang mga kantang nagpasaya sa atin ngayong 2021 sa TikTok hits kantahan at sayawan ng inyong "ASAP Natin 'To" family, kasama sina Janine Gutierrez, Sam Concepcion, Morissette, Jason Dy, Jeremy Glinoga, Joao Constancia, Edward Barber, Loisa Andalio, iDolls, at iba pa.

 

Maki-hataw naman kasabay sina Maymay Entrata, AC Bonifacio, Darren, ASAP dance royalty Kim Chiu, kasama rin ang mga dancing delivery rider na sina Jomak Peladra, Lloyd Corsino, at Neil Alferez.

 

Panooring muli ang mainit na Spice Girls transformation nina Maymay, Maris Racal, Lie Reposposa, Vivoree Esclito, at Belle Mariano, habang tuloy-tuloy rin ang P-Pop fever sa best-of-the-best performance ng BGYO tampok ang single nila na "When I'm With You."

 

Pakatutukan muli ang mga inabangan noong ASAP kantahan, tulad ng Pinoy classics duet performance ng New Gen Birit singers na sina Janine Berdin, JM Yosures, Sheena Belarmino, Sam Mangubat, Lara Maigue, Anthony Castillo, Elha Nympha, at Reiven Umali; kilig treat nina Donny Pangilinan at Belle Mariano; at ang bigating divas tapatan nina Zsa Zsa Padilla, Kyla, Klarisse de Guzman, Angeline Quinto, at Regine Velasquez.

At balikan din ang power ballad showdown mula kina Ogie Alcasid, Jed Madela, KZ, Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."

Talagang bongga ang handog na best-of-the-best yearend party mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.