News Releases

English | Tagalog

Alyssa, Anji, Brenda, Madam Inutz, at Samantha, pasok sa “PBB Kumunity” FIinal 5 

December 28, 2021 AT 10:24 AM

Alyssa, Anji, Brenda, Madam Inutz, and Samantha hailed as “PBB Kumunity” Final 5

With only five of them remaining inside Big Brother’s house, the public will soon know who will emerge as the “PBB Kumunity” Celebrity Edition Top 2 from Alyssa, Anji, Brenda, Madam Inutz, and Samantha.

Top 2, malalaman sa isang Kumu challenge
 

Opisyal nang hinirang bilang “PBB Kumunity” Celebrity Edition Final 5 sina Alyssa Valdez, Anji Salvacion, Brenda Mage, Madam Inutz, at Samantha Bernardo.

Ngayong lima nalang silang natitira sa bahay ni Kuya, malalaman na sa takdang panahon kung sino ang tatanghaling Top 2 ng “PBB Kumunity” Celebrity Edition. 

Sa susunod na mga araw, masusukat ang lakas, determinasyon, at diskarte nina Alyssa, Anji, Brenda, Madam Inutz, at Samantha sa gagawing 10 Million Kumu Diamonds Challenge. Para sa unang task, kailangan i-rank ng housemates ang sarili mula 1 hanggang 5 base sa ambag nila sa loob ng bahay ni Kuya. 

Para sa unang hamon, makakakuha ng 1 milyong Kumu diamonds ang nasa unang pwesto, habang 750K Kumu diamonds, 500K Kumu diamonds, 250K Kumu diamonds, at 100K Kumu diamonds naman ang makukuha ng nasa pangalawa, pangatlo, pang-apat, at panglimang pwesto. 

May katumbas na diamonds na makukuha ang housemates sa bawat hamon ni Kuya ngayong linggo para sa laban nila upang makuha ang Top 2 na pwesto. Bukod dito, may power din ang taong bayan na bumoto via Kumu at text para sa Top 2 housemates nila.  

Para bumoto sa Kumu, pumunta sa Kumu Campaigns at pillin ang “vote to save” (https://app.kumu.ph/VotetoSave) o “vote to evict” ( https://app.kumu.ph/VotetoEvict). Para bumoto via SMS, i-text ang BBS <name of housemate> o BBE <name of housemate> at i-send sa 2366.  Maaari lamang bumoto ang isang account ng sampung beses kada araw sa Kumu at isang beses naman kada araw sa SMS. Ang makukuhang boto ay idadagdag sa malilikom na diamonds ng celebrity housemates mula sa 10 million diamonds challenge.

Sa naging PBB 8th eviction night noong Disyembre 26 naman, inanunsyong evictees sina Alexa Ilacad at KD Estrada na nakakuha ng 17.03% at 16.99% na pinakamababang boto. 

Naging dikit ang labanan sa pagitan ng limang housemates, kung saan nanguna si Anji na may 19.18% na sinundan nina Madam Inutz (18.92%), at Samantha (17.98%). 

Samantala, naging makabuluhan din ang Pasko ng celebrity housemates sa matagumpay nilang weekly task, kung saan nakapagbigay sila ng P1 milyon para sa mga Kapamilyang nasalanta ng bagyong Odette.  

Umapaw din ang saya sa ginawang “PBB Kumu Big Paskoncert” dahil bukod sa kanilang solo performances, sinorpresa rin ang bawat housemate ng mga mahal nila sa buhay. Ang iba sa kanila nakatanggap ng mga mensahe, habang ang iba naman naka-duet at nakausap pa ang mga Kapamilya nila. 

Simula na ring makikilala ang mga papasok na adult housemates ngayong linggo.

Sinong housemates ang magiging “PBB Kumunity” Celebrity Edition Top 2? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu.      

Tulad sa mga nakaraang episodes, mapapanood din ang bagong evictees na sina Alexa at KD sa “PBB Kumulitan” online show sa Kumu at Facebook.        

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom