News Releases

English | Tagalog

Pinakabagong comedy star papangalanan na ng "Laugh Laban" contest ng FYE

December 08, 2021 AT 04:06 PM

FYE's "Laugh Laban" contest set to announce the newest comedy star

The grand comedy showdown happens this Friday (Dec. 8) at 9:30 pm on kumu!

Matinding comedy showdown, aabangan ngayong Biyernes!
 
Isang bagong comedy star ang makikilala at tiyak na magbibigay-saya dahil magaganap na ang grand finals ng “Laugh Laban,” ang comedy competition ng FYE channel sa kumu, ngayong Biyernes (December 10), 9:30 pm.
 
Isa sa Top 5 finalists na sina Ron Oliver Ucol,ang tambay-turned-OFW-turned-tambay uli; ang Bisayang komedyante mula sa South na si Dawit Tabonares; ang “Bruno sa umaga, Mars sa gabi” ng Pasay City na si Sandy del Rosario; ang longtime Pinoy comedy fan at BPO manager mula sa Las Piñas na si Francis Gabriel Belen; at ang “BakClash na hindi Aatrash” na si Jerricho Calingal ang hihiranging winner ng kompetisyon.
 
Tatanggap ng P100, 000 cash prize, pipirma sa isang FYE contract, at bibida sa isang show kasama si The Master Alex Calleja ang magwawagi sa bonggang online comedy contest na nagsimulang mapanood sa kumu noong Oktubre.
 
Kabilang sa mga hurado na pipili ng winner ang isa sa living legends ng Philippine comedy at dating Director General ng Film Academy of the Philippines na si Leo Martinez, ABS-CBN chief of staff at veteran producer Linggit Tan, at TeleRadyo showbiz talk show at “Kumu Star Ka” host Ahwel Paz.
 
Samantala, mapapanood naman ang inaabangang Comedy Special ng “Laugh Laban” ngayong Miyerkules (Dec. 8), 8 pm tampok ang special performance ng host na si Alex at ng Top 5 finalists.
 
Abangan ang huling bakbakan sa katatawanan ng “Laugh Laban” live sa FYE channel sa kumu sa Biyernes (Dec. 10), 9:30 pm. Magdownload na ng kumu app at sundan ang @fyechannel (https://app.kumu.ph/fyechannel). Para sa karagdagang detalye, sundan ang @fyechannel sa Facebook at Instagram.
 
 Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.