News Releases

English | Tagalog

Bagong educational shows tampok sa "Just Love Kids" portal

February 01, 2021 AT 03:17 PM

"Just Love Kids" portal streams new educational shows

Children may now watch the Knowledge Channel livestreams "Knowledge On The Go," "MathDali Live," and "Wikaharian Online World" on Just Love Kids portal.

 
Mga bata, inaanyayahang maging “Art Smart” ngayong Pebrero!
 
Mas marami nang paraan para higit pang matuto ang mga bata sa pamamagitan ng Knowledge Channel livestreams na mapapanood na nila ngayon sa online kids portal ng ABS-CBN na Just Love Kids simula Pebrero.

Tiyak na matutulungan ang mga bata sa pagbibilang at paglutas ng word problems sa “MathDali Live” kasama ang host nito na si Robi Domingo.
 
Maaari namang mas lumawak ang kanilang mundo at makisali pa sa trivia games tungkol sa English, Math, Araling Panlipunan, Filipino, at Science subjects sa “Knowledge On The Go” kasama si Kuya Kim Atienza.
 
Malaking tulong din ang hatid ng “Wikaharian Online World” sa pagbabasa ng mga bata at pagtuturo sa kanila ng magagandang kaugalian mula sa lessons at mga kwentong tampok ng programa. 
 
Ang tatlong Knowledge Channel livestreams ang karagdagan sa educational selections na matatagpuan sa Just Love Kids. Bahagi rin ng one-stop shop digital platform ang iba’t ibang playlists na angkop sa mga batang may edad 2 hanggang 12 years old.
 
Sa pagdiriwang ng National Arts Month ngayong Pebrero, inaanyayahan din ng Just Love Kids ang mga bata na panoorin ang art tutorial livestream nito na “Art Smart with Teacher Precious” tuwing Biyernes simula February 5, 10:30 am.
 
Samantala, ibinabalik ng Knowledge Channel sa ere ang ilan sa mga programa nito tungkol sa sining para sa pagdiriwang ng National Arts Month. Ngayong Pebrero, mapapanood ang “Art Republik,” “I Got It,” “Animahenasyon,” at “Local Legends” tuwing Martes, Huwebes, at Sabado simula 4:00 pm sa extracurricular block ng Knowledge Channel. 

Bisitahin ang Just Love Kids online edutainment hub sa justlovekids.abs-cbn.com at i-check ang Knowledge Channel livestreams dito. Abangan ang “Wikaharian Online World” tuwing Lunes, 1:00 pm, “Knowledge On The Go” tuwing Miyerkules, 10:30 am, at “MathDali Live,” tuwing Miyerkules ng 11:15 am. Para sa karagdagang detalye, i-like ang Just Love Kids @JustLoveKidsPH sa Facebook. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE