News Releases

English | Tagalog

Star-studded "Kapamilya Strong" event tickets, ubos agad sa KTX.ph

February 25, 2021 AT 10:44 AM

Tickets to star-studded "Kapamilya Strong" event gone in one day on KTX.ph

All tickets to the anticipated “Kapamilya Strong” event of ABS-CBN on Friday (February 26) have been claimed, a day after it was announced by the Kapamilya network.

MayWard, Francine, Donny, Arjo, at Gary V, dadalo

 
Naubos agad ang tickets sa ktx.ph para sa inaabangang “Kapamilya Strong” event ng ABS-CBN sa Biyernes (Pebrero 26), isang araw simula nang inanunsyo ito ng Kapamilya network.  
 
Agad sumugod ang fans sa ktx.ph para makakuha ng tickets upang mapanood ang pagpirma ng bagong kontrata sa network nina Maymay Entrata, Edward Barber, Francine Diaz, Donny Pangilinan, Arjo Atayde, at Gary Valenciano. Maaari rin silang makita sa video wall bilang virtual audience.
 
Kaabang-abang din ang mga sorpresa para sa anim na Kapamilya stars mula sa mga taong malapit sa kanilang mga puso, pati na ang pagsalubong sa kanila ng ABS-CBN executives.
 
Samantala, ipapalabas din ang “Kapamilya Strong” event pati na ang media conference pagkatapos ng contract signing ng LIVE sa Facebook pages ng ABS-CBN, Star Magic, pati na sa iWantTFC.
 
Maski global fans, maaaring samahan ang Kapamilya stars sa kanilang bagong milestone sa pamamagitan ng livestream sa TFC IPTV sa Pebrero 26. Samantala, may delayed airing naman ito sa TFC Cable and Satellite sa Pebrero 27 sa US, Canada, Latin America, Saudi, London, (10:30 pm PST), Rome, Hong Kong, Singapore (11:30 pm), at sa Guam sa March 1, 1:30 am. Mapapanood na rin ito sa TFC IPTV Video-On Demand simula Pebrero 28.
 
Huwag kalimutang ipakita ang suporta ang pagmamahal kina MayWard, Francine, Donny, Arjo, at Gary V sa “Kapamilya Strong” sa Biyernes (Pebrero 26) at sa pag-tweet ng event hashtag na #KapamilyaStrong sa social media.  
 
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.