News Releases

English | Tagalog

Aldrin M. Cerrado, itinalagang bagong COO ng ABS-CBN Global

February 03, 2021 AT 09:34 AM

ABS-CBN names Aldrin M. Cerrado as new Global COO

Photo by AMC/Mike Carrion

Inanunsyo ng ABS-CBN ang pagtatalaga kay Aldrin M. Cerrado bilang bagong chief operating officer (COO) ng ABS-CBN Global Ltd., na nangangasiwa sa mga kumpanya ng network sa ibang bansa at namamahala sa The Filipino Channel (TFC).

Si Cerrado ang pumalit kay Olivia De Jesus na nag-retiro na sa kumpanya noong ika-31 ng Enero 2021.  Bago ang katungkulang ito, nagsilbi rin si Cerrado bilang chief financial officer (CFO) at chief compliance officer ng ABS-CBN at CFO ng ABS-CBN Global.

Bago pumasok sa ABS-CBN noong ika-1 ng Hulyo 2012, isang partner si Cerrado sa Sycip Gorres Velayo & Co, ang pinakamalaking professional services firm sa Pilipinas. Isa siyang certified public accountant (CPA) na may halos 30 taon nang karanasan sa kanyang larangan. Noong 2016, ginawaran siya ng Outstanding Certified Public Accountant sa 71st national convention ng Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA).

Nagtapos si Cerrado sa kursong BS Accounting sa University of Santo Tomas habang sa Asian Institute of Management niya nakamtam ang kanyang MBA.