News Releases

English | Tagalog

Third Generation members at bagong Center Girl ng MNL48, makikilala na ngayong Pebrero

February 03, 2021 AT 04:08 PM

MNL48 unveils Third Generation members, new Center Girl this February

Which of the fans' oshis made it to the top of the list? Continue to follow the journey of MNL48, the Philippines' first-ever idol group, and join the conversation online by using the hashtag #MNL48ThirdGeneralElection.

Abangan kada Sabado sa "It's Showtime" at "It's Showtime Online Universe"
 

Isang Pebrerong puno ng excitement at sorpresa ang nag-aabang sa fans ng MNL48 dahil ipapakilala na nito ang bagong Third Generation members, Senbatsu, at Center Girl ng grupo sa "It's Showtime" at "It's Showtime Online Universe" sa unang tatlong Sabado ng buwan.

Magsisimulang ihatid sa fans ang resulta ng Third General Election ngayong Sabado (Pebrero 6) sa paglalantad ng bagong Top 48 sa pamamagitan ng isang video announcement sa YouTube channel at Facebook page ng "It's Showtime Online Universe."

Sa susunod na Sabado (Pebrero 13) naman, live na matutunghayan sa parehong online show ang pagdedeklara ng rankings ng mga miyembro mula rank 48 hanggang 17.

Pasabog naman ang Third General Election sa "It's Showtime" sa Pebrero 20 dahil live na ipapakilala sa show ang Third Generation Senbatsu (Top 16) at ang bagong Center Girl sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC.

Ang mga resulta ng Third General Election ay mula sa botohan ng fans na nagtapos noong Nobyembre 30, 2020. Ito ay regular na ginagawa para bigyan ng kapangyarihan ang fans na pumili kung sino sa tingin nila ang karapat-dapat na mapabilang sa Top 48 ng grupo.

Patuloy na sundan ang journey ng pinakaunang idol group ng Pilipinas, ang MNL48, at makisali sa usapan online at gamitin ang hashtag na #MNL48ThirdGeneralElection.

Isa lamang ito sa mga dapat abangan mula sa MNL48 matapos ang exciting na pagpasok ng bagong taon dahil noong Enero lang ay tumabo na sa higit sa isang milyong views ang music video ng latest single nilang "River" sa YouTube.

Huwag palampasin ang third general election ng MNL48 ngayong Pebrero sa "It's Showtime Online Universe" Facebook page at YouTube channel, at sa "It's Showtime" sa A2Z channel sa free TV at digital TV boxes. Mapapanood din ito sa sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa), sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Para sa karagdagang updates, sundan ang MNL48 sa Facebook (fb.com/mnl48official), Twitter, at Instagram (@mnl48official), at mag-subscribe sa official YouTube channel ng grupo.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE