News Releases

English | Tagalog

"The House Arrest Of Us" ng KathNiel, numero uno sa Netflix

February 04, 2021 AT 01:32 PM

ABS-CBN Films' "The House Arrest Of Us" is no. 1 title on Netflix PH

KathNiel's “The House Arrest Of Us” premiered on Netflix last February 1 and currently holds the no. 1 spot in the streaming service's most watched content in the Philippines.

Ang groundbreaking digital movie series ng ABS-CBN Films na “The House Arrest Of Us” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kasalukuyang nangungunang palabas sa Netflix Philippines.
 
Nito lamang Lunes unang ipinalabas sa Netflix ang series at tuluyan na itong nagwagi sa puso ng mga manonood dahil sa nakakatuwang kwento ng bagong engaged couple.
 
Nakasentro ang palabas sa hirap na pagdadaanan nina Quencess (Kathryn) at Korics (Daniel) sa unang pagkikita ng kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng tradisyong pamamanhikan, na hindi inaasahan ay maghahatid sa lahat na magsama-sama sa isang bubong dahil sa biglaang implementasyon ng quarantine.
 
Kasama rin sa patok na romantic dramedy series sina Ruffa Gutierrez, Herbert Bautista, Dennis Padilla, Arlene Muhlach, Gardo Versoza, Alora Sasam, Riva Quenery, Anthony Jennings, at Hyubs Azarcon.
 
Unang ipinalabas ang 13-episode program na idinirek ni Richard Arellano sa ktx.ph noong Oktubre 2020. Bukod sa KTX, naglabas din ito ng bagong episode linggo-linggo sa ABS-CBN streaming service na iWantTFC.
 
Ang mga bida ng “The House Arrest Of Us” na kilala rin bilang KathNiel tandem, ay may matinding following hindi lang sa Pilipinas kungdi pati na rin sa Southeast Asia. Kinilala sila bilang ‘Favorite Foreign TV Actress and Actor’ sa Blue Star Award – Face of the Year Awards sa Vietnam noong 2016 at 2018 dahil na rin sa kasikatan ng mga programang “Got to Believe” at “Pangako Sa’Yo” roon.
 
Umere rin ang “Pangako Sa’Yo” series ng KathNiel sa Indonesia, Peru, at Dominican Republic.
 
Ilan lamang sina Kathryn at Daniel sa Kapamilya artists na unti-unting nakikilala sa ibang bansa sa pagpapatuloy ng ABS-CBN na ibida ang Pinoy talent sa world stage.
 
Bukod sa “The House Arrest of Us,” napapanood na rin sa Netflix ang mga pelikula ng KathNiel mula sa ABS-CBN Films na “Barcelona: A Love Untold,” “Crazy Beautiful You,” “Can’t Help Falling In Love,” “Must Be Love,” “She’s Dating the Gangster,” at “The Hows of Us.”
 
Patuloy ang ABS-CBN sa pagprodyus ng mga programa at pelikula na kinikilala dahil sa makabagbag damdamin kwento nito na pumupukaw sa puso ng mga manonood mula sa iba’t ibang bansa.