News Releases

English | Tagalog

Fans may sey sa bagong PILIkula na "Pa-Mine, Pare!"

February 05, 2021 AT 04:59 PM

Nasa kamay ng fans kung sinong Star Hunt at Star Magic actors ang bibida sa pinakabagong PILIkula mula sa ABS-CBN sa Kumu, YouTube at KTX.PH, ang BL show na "Pa-Mine: Pare." 

 

Hanggang Pebrero 21, maaaring bumoto ang fans sa KUMU at KTX.PH kung sino kina Gian Wang, Eian Rances, Shoichi Oka, Tan Roncal, at Ali Abinal ng Star Hunt at Star Magic ang magdadala ng kilig. 

 

Matutunghayan sa “Pa-Mine Pare!” ang kwento ng dalawang binata, sina Anton at Davie, na matagal nang matalik na magkaibian at business partners. Pero dahil sa isang halik, magbabago ang kanilang paningin sa isa’t isa at mas makikilala nila ang kanilang mga sarili.  

Sa mga hindi pa sigurado kung sino ang kanilang iboboto, maari naman panoorin ang live streams ng apat na binata sa KUMU. 

 

Kasama ang “PILIKula” sa humahabang listahan ng digital content ng OKS (Online Kapamilya Shows). Isa lang ang "PILIkula" sa marami nang nilikha ng ABS-CBN TV Digital Group.

 

Mula noong 2020, gumagawa na ang TVDG ng iba't ibang content para sa mga Kapamilyang online tulad ng  iWant Original na "TNT Boys,"“Trip to Quiapo” at “Hush," ang online anthology show na "Stay At Home Stories", ang interactive show na "PILIkula", ang digital documentary na "Persona: Jake Zyrus", ang online reality show na "Starkada Battle," at ang online celebrity search na "Ultimate Bida Star.” 

 

Para sa updates, i-follow ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).