News Releases

English | Tagalog

Liofer ng Zamboanga del Sur, tinanghal na "PBB Connect" Big Winner

March 14, 2021 AT 11:59 PM

Liofer of Zamboanga del Sur named as "PBB Connect" Big Winner

Liofer Pinatacan, the ‘Dong Diskarte ng Zamboanga del Sur,’ was voted by fans and viewers as the Big Winner of “Pinoy Big Brother Connect” during the first virtual Big Night on Sunday (March 14).

Big Night, nag-trending sa Twitter

 

Ang ‘Dong Diskarte ng Zamboanga del Sur’ na si Liofer Pinatacan ang binoto ng taumbayan na Big Winner ng "Pinoy Big Brother Connect" sa ginanap na kauna-unahang virtual Big Night ngayong gabi (Marso 14).

Nakakuha si Liofer ng 20.90% na pinagsamang Kumu at text votes. Pumapangalawa naman si Andrea Abaya, ang ‘Cheerdance Sweetheart ng Parañaque,’ na may 16.60%, habang third at fourth Big Placers naman sina Kobie Brown, ang ‘Charming Striker ng Parañaque,’ na may 3.36%, at  Jie-Ann Armero, ang ‘Kwelang Fan Girl ng Sarangani’ na umani ng 2.66%.

Naging emosyonal at speechless si Liofer matapos itanghal na Big Winner dahil sa dami ng pagsubok na pinagdaanan sa loob ng bahay ni Kuya, kung saan sa loob ng mahigit tatlong buwan ay hinamon silang magpakatotoo, magtiwala sa sarili, at kumonekta sa isa't isa.  

“Grabe. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat lahat ng sumuporta sa akin dito,” ani ng bagong Big Winner, na ibinahagi rin noong Big Night na unang gagawin niya ay tulungan ang ina kung mananalo siya.

Panalo ng bagong house and lot mula sa Phirst Park Homes at P1 milyon mula sa Brilliant Skin Essentials ang Big Winner na si Liofer. Habang may cash prizes naman na matatanggap sina Andrea Abaya, Kobie Brown, at Jie-Ann Armero na P500,000, P300,000, at P200,000.

Naroon naman upang salubungin sa outside world si Liofer ang kapwa niyang Big Winners sa iba’t ibang edisyon ng “PBB,” kabilang na sina Nene Tamayo, Bea Saw, Ruben Gonzaga, Ejay Falcon, Slater Young, Daniel Matsunaga, Jimboy Martin, at Yamyam Gucong.

Bukod sa pag-anunsyo ng Big Winner ng season na ito,  trending din sa Twitter ang world-class performances ng BGYO, ang pagpapakilig ng KarJon at KaoRhys love teams, at ang muling pagsasama ng “PBB Connect” ex-housemates.

Nagpasaya rin sa viewers sina Charlie Dizon, Denize Castillo, Edward Barber, Francine Diaz, Heaven Peralejo, Jem Macatuno, Maris Racal, Michelle Vito, Nikki Valdez, Nikko Natividad, Pamu Pamorada, Ryan Bang, Tony Labrusca, Vivoree Esclito, Yves Flores, at Zeus Collins.

Samantala, marami pang dapat abangan ang fans ng “PBB Connect” mula sa kanilang housemates dahil inanunsyo sa Big Night na magkakaroon ng sariling livestream ang lahat ng housemates sa Kumu upang patuloy na maghatid ng liwanag at ligaya.

Pinangunahan ng hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Kim Chiu, Enchong Dee, Maymay Entrata, at Richard Juan ang unang virtual Big Night ng “PBB Connect” na sold out ang tickets sa KTX.ph. Mapupunta sa charity ang proceeds ng tickets.  Para sa ibang balita, i-follow @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom