News Releases

English | Tagalog

Sumama kina Donny, Kristel, Shine, at Robi sa South Korea sa 'Aja! Aja! Tayo sa Jeju'

March 17, 2021 AT 07:23 PM

Donny, Kristel, Shine, and Robi take viewers to South Korea in 'Aja! Aja! Tayo sa Jeju'

Go on a stay-at-home yet adventure-packed trip to South Korea's Jeju Island in "Aja! Aja! Tayo sa Jeju."

Para sa isang kakaibang travel experience sa Jeju Island

Magkakapaglakbay na ang mga manonood sa kilalang Jeju Island sa South Korea kasama sina Donny Pangilinan, Kristel Fulgar, Shine Kuk, at Robi Domingo bilang "Ajakada" sa bagong reality-variety show para sa mga chingu, ang "Aja! Aja! Tayo sa Jeju," na unang mapapanood ngayong Sabado (Marso 20) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z. 

Hatid ng palabas mula sa ABS-CBN at ShowBT Philippines ang makulay na kultura ng South Korea, na kilala bilang Hallyu wave.  

Samahan ang Ajakada sa kanilang pag-ikot sa mga tourist destination at pagkilala sa pamumuhay sa isla. 

Sa unang episode, sasabak agad sina Donny, Kristel, Shine, at Robi sa isang sorpresang challenge—isang karera tungo sa Gimpo International Airport. Mula roon, marami pa silang haharaping task gaya ng mga nakikita sa kilalang South Korean game shows.    

Sa kanilang paglalakbay, makikilala naman nila ang ilang sorpresang panauhin na sasama sa kanilang adventure.   

Imbitahin na ang buong barkada at pamilya at maki-go sa kulitan, go sa challenges, at go sa fun at adventure na dala ng weekly trip sa South Korea kasama ang Ajakada sa "Aja! Aja! Tayo sa Jeju" tuwing Sabado, simula Marso 20, 10 PM sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 SD at channel 167 HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at Cignal channel 22), Kapamilya Online Live, at A2Z (sa analog at digital TV). 

Mapapanood naman ang ilang advance episode ng "Aja! Aja! Tayo sa Jeju" tuwing Huwebes sa iWantTFC, simula Marso 18, 8 PM. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom