News Releases

English | Tagalog

CJ, nakasungkit ng panalo sa “Your Face Sounds Familiar Season 3”

March 18, 2021 AT 12:40 PM

CJ transforms into Justin Bieber, wins Week 4 of “Your Face Sounds Familiar Season 3”

CJ, who previously performed as music legends Jose Mari Chan, Frank Sinatra, and Rico J. Puno in the show, gave another strong performance that got the nod of his fellow celebrity performers and jury members Gary Valenciano, Ogie Alcasid, and Sharon Cuneta.

Sa ikaapat na subok, nasungkit na rin ng viral crooner na si CJ Navato ang panalo sa “Your Face Sounds Familiar Season 3” matapos kopyahin ang hitsura at boses ng idolo niyang si Justin Bieber.

Umani na ng papuri noon mula kina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Sharon Cuneta si CJ sa pag-gaya niya sa mga icon tulad nina Jose Mari Chan, Frank Sinatra, at Rico J. Puno. Ngunit ang paglabas niya bilang Justin ang nagpanalo sa kanya ng P50,000 bilang bagong weekly winner ng programa.

“Maraming, maraming salamat po. Sobrang nakaka-pressure nung gawin ito kasi idol na idol ko siya. Thank you po sa pag-confirm na okay ‘yung ginawa ko,” sambit niya matapos ianunsyo ng host na si Luis Manzano ang resulta ng week 4 ng hit Kapamilya musical variety competition.

Mapapalaban uli ang dating child star sa darating na weekend, kung saan ang rakista na si Alanis Morissette naman ang kailangan niyang gampanan. Susubukan namang manalo ulit ni Jhong Hilario, na magtatanghal bilang ang kaibigan niyang si Vhong Navarro. Samantala, Pointer Sisters naman ang gagayahin ng iDolls at si Minnie Riperton naman kay Klarisse de Guzman.

Pagkatapos umawit bilang Vina Morales, si Francis M naman ang kokopyahin ni Christian Bables, na naka-duet pa noong weekend si Vina. Selena Gomez naman ang nakuha ni Vivoree Esclito, Madonna ang kay Geneva Cruz, at Sheryin Regis ang kay Lie Reposposa.

Maliban sa mga nakaka-bilib na transformation, kinagigiliwan din ng mga manonood ang kulitan sa programa sa pangunguna ng host na si Luis Manzano. Nakumbinse pa ni Luis ang Megastar na makisama sa Magandang Dilag challenge ng celebrity performers. Samantala, lumabas naman si Ogie bilang Eydie Waw at pinarinig ang awitin niyang “Maga Ako, Manas Ako.”

Huwag palampasin ang “Your Face Sounds Familiar Season 3” tuwing Sabado ng 8 pm at Linggo 7:30 pm kasama ang celebrity performers, ang host na si Luis Manzano, ang jury, at ang celebrity mentors na sina Jed Madela at Nyoy Volante sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. Panoorin din ang “KaFamiliar Online Live” show nina Darren Espanto at AC Bonifacio sa Kapamilya Online Live tuwing commercial breaks.
 
Para sa mga nakaraang perfomances pumunta sa official YouTube channel ng “Your Face Sounds Familiar” o sa iWantTFC. I-follow ang @YourFacePH para sa updates sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom