News Releases

English | Tagalog

Heaven at Tony maghihiwalay na ba?

March 18, 2021 AT 12:50 PM

Tuluyan na kayang mauwi sa hiwalayan sina Tisay (Heaven Peralejo) at Ely (Tony Labrusca) sa “Bagong Umaga”?  

 

Nagkakaproblema na ang magkasintahan matapos mamatay ang kapatid ni Ely na si Gab (Ali Abinal) matapos mabangga ng kotse ni Ian (Cris Villanueva).  

 

Ayaw tanggapin ni Ely ang paliwanag ni Ian na may drogang iniligay sa kanyang sasakyan kaya siya nahilo habang nagmamaneho. Paninindigan naman ni Tisay na walang kasalanan ang tunay na ama sa binibintang ng kasintahan.  

 

Hindi nila alam na kagagawan ito ni Diana (Glydel Mercado) dahil inutusan nito si Cai (Barbie Imperial) na patayin ang CCTV sa bahay nina Ian para nga ma-lagyan ng pampatulog ang kotse ni Ian.  

 

Lubos naman ang takot at pagsisisi ni Cai dahil pumayag siyang maging kasabwat sa plano ni Diana.  

 

Kainin kaya si Cai ng kanyang konsensya at isiwalat ang plano nila ni Diana? Paano naman kaya mapapatunayan nina Ian at Tisay na frame-up lang ang nangyari? Ito na ba ang katapusanan sa pagmamahalan nina Tisay at Ely?  

 

Huwag palampasin ang ang mga susunod na tagpo sa “Bagong Umaga,” na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).   

 

Available din ito sa A2Z channel 11, na   mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Maaari rin itong mapanood sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.   

 

Ito rin ay na sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.