News Releases

English | Tagalog

Angelica, tumakas kasama si Paulo sa "Walang Hanggang Paalam"

March 19, 2021 AT 09:20 AM

Angelica runs away with Paulo in "Walang Hanggang Paalam"

How long will Emman be able to protect Celine from Anton? Will Sam betray Emman or will her love for him prevail?

Isang malaking gulo ang naganap sa kasal nina Celine (Angelica Panganiban) at Anton (Zanjoe Marudo) matapos tumakas ni Celine kasama ang dating kasintahang si Emman (Paulo Avelino) sa nalalapit na pagtatapos ng Kapamilya teleserye na “Walang Hanggang Paalam.”

Sa kabila ng pag-aalinlangan ni Celine sa relasyon niya kay Anton, hindi na natuloy ang pagpapakasal nilang dalawa nang biglaang sumipot si Emman sa selebrasyon upang iligtas si Celine.

Bago tuluyang makatakas sa barilan kasama si Emman, sinubukan ding makawala ni Celine nang aminin sa kanya ni Anton na alam nitong nagpapanggap lamang siya sa relasyon nila upang mabisto ang iligal na negosyo ng pamilya nito.

Samantala, magulo na rin ang isipan ni Sam (Arci Munoz) dahil hindi niya alam kung dapat ba niyang ipakulong si Emman o kung itutuloy niya ang pagprotekta rito. 

Gaano katagal mapoprotektahan ni Emman si Celine mula kay Anton? Itataksil na ba ni Sam si Emman o mananaig pa rin ang pagmamahal niya para rito?

Panoorin ang nalalapit na pagtatapos ng “Walang Hanggang Paalam” gabi-gabi sa TV5 at A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Mapapanood pa rin ito sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring tumutok sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang  www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE