News Releases

English | Tagalog

Klarisse, naungusan si CJ para sa ikalawang panalo sa “Your Face Sounds Familiar Season 3”

March 23, 2021 AT 06:23 PM

Klarisse edges CJ for second win in “Your Face Sounds Familiar Season 3”

After five weeks, only three celebrity performers have become weekly winners in the hit Kapamilya musical variety competition. Klarisse and Jhong Hilario have wonthe P50,000 weekly pot twice, while CJ has one win under his belt.

Wagi uli bilang weekly winner ng “Your Face Sounds Familiar Season 3” si Klarisse De Guzman noong Linggo (Marso 21) matapos lumabas at umawit bilang Minnie Riperton.

Hinakot ng Soul Diva ang pinakamataas na puntos mula sa mga jury na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Sharon Cuneta at maging ang boto ng ilang kapwa celebrity performer sa pagkanta niya ng klasikong awiting “Lovin’ You.”

Nakakuha ng 30 kabuuang puntos si Klarisse, sapat upang maungusan si CJ Navato, na pinuri rin sa kanyang paggaya sa babaeng rock icon na si Alanis Morissette.

Sa loob ng limang linggo, tatatlo pa lamang sa celebrity performers ang nagwawagi bilang weekly winner ng hit Kapamilya musical variety competition. Dalawang beses na nakuha nina Klarisse at Jhong Hilario ang premyong P50,000 para sa weekly winner, habang nakaisang panalo na rin ang viral crooner na si CJ.

Magpapatuloy naman ang nakakabilib na transformations at performances sa darating na weekend sa bagong mga gagayahin ng celebrity performers sa tulong ng kanilang mentors na sina Nyoy Volante at Jed Madela.

Napunta kay Klarisse si Mariah Carey, kay CJ si Barry Manilow, kay Christian Bables si Michael Jackson, at kay Jhong naman si Bob Marley. Kaabang-abang din ang paglabas ni Geneva Cruz bilang Freddie Aguilar, ng iDolls bilang Boyz 2 Men, ni Lie Reposposa bilang Lolita Carbon, at ni Vivoree Esclito bilang Rihanna.

Alamin din kung ano ang bagong hamon ang ibibigay ng host na si Luis Manzano sa jury at celebrity performers at ang kanyang masayang kwentuhan kasama ang ilan sa virtual audience ng programa.

Mapapanood ang “Your Face Sounds Familiar Season 3” tuwing Sabado ng 8 pm at Linggo 7:30 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. Panoorin din ang “KaFamiliar Online Live” show nina Darren Espanto at AC Bonifacio sa Kapamilya Online Live tuwing commercial breaks.
 
Para sa nakaraang perfomances pumunta sa official YouTube channel ng “Your Face Sounds Familiar” o sa iWantTFC. I-follow ang @YourFacePH para sa updates sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom