News Releases

English | Tagalog

Pantawid ng Pag-ibig Pilipino para sa Pilipino, patuloy ang pagtulong sa mga pamilyang nangangailangan

March 25, 2021 AT 09:19 PM

Pantawid ng Pag-ibig: Pilipino para sa Pilipino continues to help Filipinos in need

Alongside these fundraising efforts, ABS-CBN Foundation is actively working with corporate donors to boost the “Pantawid ng Pag-ibig: Pilipino Para sa Pilipino” campaign and extend resources to even more Filipino families in need.

Mga online partners, katuwang sa pangangalap ng donasyon para sa food packs
 
Inilunsad ng ABS-CBN Foundation (AFI) ang pinakabagong yugto ng kanilang “Pantawid ng Pag-ibig” campaign. Pinangalanang “Pilipino Para Sa Pilipino,” ito ay naghihikayat sa mga indibidwal at mga korporasyon na tumugon sa patuloy na pangangailangan ng pagkain para sa mga nawalan ng trabaho at hindi makapag-hanapbuhay dahil sa COVID-19.
 
Nakatutok ang “Pantawid ng Pag-ibig: Pilipino Para Sa Pilipino” sa paghahatid ng food packs at hot meals sa mga pamilyang nakararanas ng gutom ngayong panahon ng pandemiya. 
 
Bawat isang daang pisong donasyon na matatanggap sa mga AFI bank account at mga ka-partner na e-wallet tulad ng GCash at PayMaya, o kaya ay sa pagbili ng donation voucher sa Lazada at Grab ay makapagpapakain na ng isang pamilya sa isang araw. Ang apat na raang piso ay makapaghahatid ng pagkain sa isang pamilya sa loob ng isang linggo.
 
Ani Roberta Lopez-Feliciano, managing director ng ABS-CBN Foundation, habang tumatagal ang pandemiya, mas lalong dumarami ang nawawalan ng kabuhayan, kaya’t mas lalong pinaigting ng AFI ang kanilang pagsisikap na makapag-abot ng tulong sa higit na nakakararami pang nangangailangan.
 
Dagdag pa ni Feliciano, inaanyayahan nila ang lahat na magbigay ng donasyon upang sama-sama na maitawid ng mga Pilipino ang kahirapan na dulot ng pandemiya.
 
Simula nang mailunsad ang “Pantawid ng Pag-ibig” noong Marso 19, 2020, higit sa P 500 milyon na cash at in-kind donations ang nalikom mula sa indibidwal at mga korporasyon, na nakapaghatid ng tulong sa higit na 920,000 na pamilya sa National Capital Region (NCR) at sa mga piling probinsya.
 
Ang mga nalikom na donasyon na cash ay ipinambili ng pagkain at bigas, de lata, instant noodles, biskwit, gatas, kape, shampoo, sabon, at vitamins. Sakop ng campaign ang paghatid ng hot meals sa mga apektadong pamilya at mga frontliners sa mga hospital at mga ka-partner na lungsod. Nakapag-abot din ang ABS-CBN Foundation ng Personal Protective Equipment (PPE) sa mga ospital at sa mga samahan ng mga frontliners sa NCR at iba pang probinsya.
 
Maaaring maipaabot sa ABS-CBN Foundation ang mga donasyon ng P100 o P400 sa pamamagitan ng GCash, PayMaya, Lazada, Grab at sa mga bank accounts ng AFI.
 
Para sa karagdagang impormasyon, magpunta sa www.pantawidngpagibig.com.