News Releases

English | Tagalog

Arci, inaresto si Paulo sa "Walang Hanggang Paalam"

March 26, 2021 AT 10:02 AM

Arci arrests Paulo in "Walang Hanggang Paalam"

Watch the last 3 weeks on Kapamilya Channel, A2Z, and TV5

Matapos isakripisyo muli ni Sam (Arci Muñoz) ang kanyang buhay para sa pinakamamahal niyang si Emman (Paulo Avelino), tuluyan nang nag-iba ang kanyang isip at inaresto na ito sa Kapamilya teleseryeng “Walang Hanggang Paalam” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Dahil sa tindi ng kanyang galit at selos nang aminin sa harap niya nina Emman at Celine (Angelica Panganiban) na mahal pa rin nila ang isa’t isa, nagpasya si Sam na arestuhin na si Emman habang hinahabol sila ng mga pulis.

Masama man ang kanyang loob, may tiwala pa rin si Emman kay Sam na tutulungan pa rin siyang makamit ang hustisya para sa nawawala niyang anak na si Robbie.

Nasa panganib naman ulit ang buhay ni Celine dahil may masamang balak sa kanya si Anton (Zanjoe Marudo) na kanyang niloko at binaril upang makatakas.

Tuluyan na nga bang tatalikuran ni Sam si Emman? Ano ang binabalak ni Anton kay Celine?

Panoorin ang huling tatlong linggo ng “Walang Hanggang Paalam” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.