News Releases

English | Tagalog

Malalim na pagkakaibigan, mabubuo sa dating magkaaway sa "MMK"

March 26, 2021 AT 02:00 PM

Pupukawin muli ng “MMK” ang mga manonood sa hatid nitong kwento ng dalawang dating magkaaway na makabubuo ng isang malalim na pagkakaibigan sa harap ng malalaking pagsubok sa buhay ngayong Sabado (Marso 27).  

     

Madalas na binu-bully ni Petrus Samonte (Joao Constancia) si Raddy Dionisio (Neil Coleta) noong sila ay bata pa. Ngunit magbabago ang lahat nang mabulag si Petrus at tanging si Raddy lang ang tumulong sa kanya.    

   

Hindi iniwan ni Raddy ang kanyang matalik na kaibigan na si Petrus lalo na sa mga panahon ng pangangailangan gaya ng pagkamatay ng ama nito at nang nabigo sa pag-ibig.  

   

Dumaan sa pagsubok ang kanilang pagkakaibigan lalo na noong nagsimula na ng sariling pamilya si Raddy.  Patuloy pa rin kayang matulungan ni Raddy ang kaibigan sa iba pang malalaking dagok na darating sa kanyang buhay?    

   

Sundin ang mga kwentong puno ng aral mula sa “MMK” tuwing Sabado, 9 PM ngayong Marso sa A2Z sa free TV at digital TV boxes tulad ng TVplus. I-scan lamang ang digital TV box para hanapin ang A2Z channel sa Metro Manila at sa ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.             

   

Mapapanood rin ito tuwing Sabado, 9 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 SD at channel 167 HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at sa karamihang channels na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association) at digital TV boxes. Sa online, ito ay nasa Kapamilya Online Live YouTube channel at sa ABS-CBN Entertainment Facebook page, pati na rin sa TFC, iWant app o iwanttfc.com. Maaaring para naman sa manonood sa ibang bansa, masusundan ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.       

   

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o visitwww.abs-cbn.com/newsroom.