News Releases

English | Tagalog

Awitin ng TNT Boys, muling bumida sa anibersaryo ng Bantay Bata 163

March 03, 2021 AT 10:00 AM

Bantay Bata 163 marks 24th year with “Bawat Isa ay Bata” music video

Featuring the song “Bawat Isa ay Bata,” performed by international sensation TNT Boys composed of Mackie Empuerto, Keifer Sanchez, and Francis Concepcion, the video shows how Bantay Bata 163 has evolved through the years as it strives to champion the welfare of the children.

Patuloy ang misyon sa pagprotekta at pagmamahal sa kabataang Pilipino 

Muling nagningning ang kantang “Bawat Isa Ay Bata” ng sikat na TNT Boys sa pagdiriwang ng ika-24 anibersaryo ng Bantay Bata 163 na itinaguyod ng namayapang si Gina Lopez upang patuloy na magbigyan ng proteksyon at pagmamahal ang mga batang Pilipino.

Sa music video na tampok sina sina Mackie Empuerto, Keifer Sanchez, at Francis Concepcion, makikita ang mga pagbabago sa Bantay Bata 163 sa mga nagdaang taon.

Mula sa pagiging hotline para itawag ang mga insidente ng pang-aabuso sa mga bata, pinalawak na rin ang programang itinatag ni Gina, ang dating chair ng ABS-CBN Foundation, na nagbibigay na rin ng tulong sa mga nais makapag-aral. Mayroon ding itong Children’s Village kung saan inaaruga ang mga na-rescue na bata habang nagpapagaling at naghahanda sa kanilang pagbabalik sa kanilang mga pamilya at komunidad.

Sa kabila ng pandemya, patuloy na nagseserbisyo ang Bantay Bata sa pamamagitan ng educational assistance, Children’s Village, at Hotline 163. Sa katunayan, mas pinaigting pa ang pagbabantay nito sa batang Pilipino sa paglunsad noong 2020 ng sariling Facebook page ng Bantay Bata 163, na naging isa pang paraan upang makapag-report ng pang-aabuso at iba pang pangangailangan ng mga bata.

Nagpasalamat naman ang director of advocacy ng Bantay Bata 163 na si Ernie Lopez, kapatid ni Gina, sa lahat ng mga naging bahagi ng programa.

Sinabi naman ni ABS-CBN Foundation managing director Roberta Lopez Feliciano na patuloy nilang pagbubutihan ang mga serbisyo at presensya ng Bantay Bata upang matugunan din ang bagong mga hamon tulad ng online sexual abuse, cyber bullying, at child mental health.

Maaaring magpadala ng donasyon sa pamamagitan ng bank accounts ng Bantay Bata 163 (ALKFI-Bantay Bata 163): BDO - SA 0039 3000 6612; PNB - CA 1103 7000 1298; and BPI - CA 3051-1101-95, o kaya ay sa GCash o PayMaya.

Samantala, mapapanood naman ang “Bawat Isa ay Bata” music video, tampok din ang Kapamilya stars na sina MayMay Entrata, Edward Barber, at Piolo Pascual sa ABS-CBN Foundation Facebook page. Si Mark Raywin Tome ang sumulat ng lyrics habang si Lloyd Oliver Corpuz at Jungee Marcelo ang nasa likod ng musika. Si Kay Marie Batac naman ang nanguna sa pag-prodyus ng music video.

Para sa updates, i-follow ang @bantaybata163PH sa Facebook o bumisita sa www.abs-cbnfoundation.com. Para sa balita, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.